CHAPTER 22

6.9K 158 17
                                    

Note: Wag didikit kay Athena. Isa po siyang malaking troublemaker.

Hay. Lumipas ata ang ilang linggo ng guilty na guilty ako sa nagawa ko. Syempre, araw-araw kami nagkikita ni Clyde kasi nga tutor ko siya. Tapos sa bawat araw na yun, wala siyang salamin. Hirap siyang bumasa kaya yung iba, pinapabasa na lang niya sakin pag di niya talaga kaya. Ang shunga ko lang talaga kasi nabasag ko yung salamin niya sa wala pang isang minutong- brownout.

At eto pa. Hindi daw yun basta-basta salamin lang. Yun ang huling regalo sa kanya ni Faye.

Oo. Si Faye na ex ni Clyde na….nachugi nga. -____- Kung di pa sakin sinabi ni Brent, baka clueless pa rin ako kung bakit desperado si Clyde na ayusin yun.

Nasa canteen kami ngayon kasi break na namin. Wala naman akong ganang kumain matapos lahat ng nalaman ko.

“Athena? Bat ayaw mo kumain? Gusto mo subuan kita?”, aya ni Zelo.

“Shh. Kita mong may sariling mundo yung tao eh.”, biro ni Brent.

“Eto talaga si Brent! Uhh…Athena, may problema ba?”, tanong naman ni Liam.

Napabuntong-hininga na lang ako.

“Ehhh alam ko na bakit ganyan yan eh. Nabasag kasi niya salamin ni Clyde. Yung bigay ni Faye. Ayan, guilty na guilty.”, chill na sabi ni Brent.

-________-

THANK YOU TALAGA BRENT. NAKAKALUWAG-LOOB ANG SINABI MO.

“Sisikuhin na kita dyan.”, pagtitimpi ko dito.

“Sus! Parang yun lang? Edi bili siyang bago! Matagal na namang deds ex niya eh.”, sabi ni Zelo habang ngumunguya.

“Ano ka ba Zelo! Respeto naman!”, saway ni Liam.

“Hay nako, Athena. Yaan mo na yun si Clyde. Ang intindihin mo, scholarship mo.”, biglang seryosong sabi ni Brent.

OO. ISA PA YUN T^T

Eh kasi naman, na-late ako sa Genetics subject namin nung isang araw kasi nagstay ako sa library para mag-aral. May quiz kami kasi nung araw na yun. EH NAKATULOG BA NAMAN AKO. Ayun, 30 minutes akong late at hindi na ko pinakuha ng quiz! ARGH BWISET TALAGA EH. Nag-aral pa naman ako! UGHHH

Ginulo ko yung buhok ko at nagdadadabog. Nababalot na ata ako ng sobrang stress na gusto ko ng magpakalbo eh. Sinalampak ko na lang yung ulo ko sa mesa, tanda ng wala na kong magagawa sa shunga-shunga kong buhay.

Maya-maya lang narinig ko na naman ang boses ni Brent.

“Athena.”, tawag niya.

-____-

“Wag niyo kong kausapin.”

“Uhm…Athena!”, kalabit na naman niya.

Tumingin na ako sa kanya at hindi na ko nakapagtimpi pa. Sinabunutan ko nga siya.

“ANO BA! SABI NG AYAW KO NG KAUSAP NGAYON EHHHH!!!!”

“Aray! Aray! Oy guys! Tanggalin niyo nga tong baliw na to sakin! AHHH!!!!”, sigaw ni Brent.

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon