CHAPTER 4

10.7K 211 14
                                    

*ATHENA in multimedia. :)

-----------------------

Nakarating kami sa tinatawag nilang “Grand Hall” para sa orientation ng mga transferees. Shet lang na malupet. Ang laki niya, I swear. Para sigurong kasing haba ng first floor ng MOA. Oo, alam ko OA ako pero feeling ko kasi ganun siya kahaba. Ang pinagtataka ko lang, bakit walang tao.

“Ahhh…Brent? Sigurado ka bang….dito yung orientation?”, tanong ko sa kanya na mukha ring naguguluhan.

“Alam ko dito naman lagi ang orientation ng transferees…hmmm.”

Pumunta si Brent sa sulok para tumingin siguro ng staff o kung sino man. Ako naman, tumingin ako sa paligid pero wala talagang ibang tao sa grand hall. Naglakad ako palabas at nakita ko si Jonathan.

“PST! Jonathan!”, tawag ko sa kanya.

Tumingin naman agad ito at naramdaman kong nasa tabi ko na si Brent.

“Anong ginagawa mo dyan? Orientation sa Discipline office. Dalian mo!”, saway niya sakin.

“Ay. Sorry. Halika na, dali!”, tawag ni Brent.

Tumakbo kami paakyat ng isang floor at nakita ko sa pinakadulo ng hallway ang isang glass door na may nakalagay na “DISCIPLINE OFFICE”. Papasok na sana ako sa loob ng magsalita si Brent.

“Sige, hintayin na lang kita dito.”, sabi niya.

“Nako, hindi na. Baka matagal pa to. Saka alam ko na naman pabalik eh.”

“Ahhh…sige. Mauna na ako ha?”

Pinapasok na ko ni Brent bago pa siya maglakad paalis. Sumalubong naman sa mukha ko si Jonathan na nakatiklop pa ang mga kamay niya na parang galit ata.

“Late ka na. Pahatid hatid ka pang nalalaman. Halika, dito ang orientation.”, pagsusungit niya.

Sinundan ko na lang si Jonathan papasok ng office. Pumasok kami sa maliit na room na parang wala namang laman kung hindi isang malaking screen sa harap at iilang upuan. May nakita akong mga lalaking nag-aayos ng projector sa harap at ang iba naman ay nakatingin na sakin. Pinaupo ako ni Jonathan sa tabi ng lalaking nag—isang nakaupo.

Tinignan ko naman yung lalaking katabi ko. Mukhang masungit tapos ang firm ng mukha. Parang hindi friendly. Tapos may bangs pa siya kaya halos di ko makita yung mukha. Naisipan ko na kausapin na lang siya since ang awkward na naman ng paligid ko.

“Hello. Transferee ka din?”

Tumingin siya sakin at saka sumagot. Whew. Akala ko hindi na sasagot eh.

“Yes.”

Ay Inglisero! Inayos ko naman konti yung cap ko, medyo nahiya naman ako sa kanya.

“Ahhh. Athena nga pala. Transferee din.”, ngumiti ako sa kanya sabay inabot ko yung kamay ko.

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon