CHAPTER 25

6.4K 156 10
                                    

Nasan….ako?

Di ko mabuksan yung mata ko ng maayos. Parang andameng muta na nakaharang.

Paghawak ko naman, wala. Kinusot ko na lang ang mga ito at medyo nabulag naman ako sa tindi ng sikat ng araw. Teka….anong oras na ba?

Pagkalingon ko sa orasan ko, 9:30 na ng umaga.

O_____O

WAAHHHHH!!!! LATE NA KO!!!!!!

Tatakbo na sana ako ng banyo ng may naramdaman akong nakadikit sa noo ko. Tinanggal ko yung post-it na yellow at tinignan ko kung sino ang may gawa nito.

Hindi na kita ginising. Sorry for last night. Tulog ka lang.

-          TOP

O____O

Anong sorry for last night??? TEKA TEKA, ISIP ATHENA. ANO BANG NANGYARI???

…………

…….

….

AHHHHH!!!!

OO! TAMA! NALASING YUNG HALIMAW NA YUN KAYA….

Teka. Ang alam ko, nakatulog ako sa tabi niya ah….Bakit ako nandito sa kwarto ko ngayon?!

AISH! Ayoko munang mag-isip. Kailangan kong makahabol para sa quiz ko sa Statistics! NAKO!!! Isang oras na lang ang natitira bago matapos ang klase ko sa 4-B!!! WAAAHHH!!! BILIS BILIS ATHENA!!

Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa sa pagligo at pagsuot ng uniform. Kinuha ko na lang yung bag ko at nagsuklay na lang ako habang tumatakbo. Pagkarating ko sa room, nakita kong nagbibigay pa lang sila ng mga test papers at agad naman akong pumasok na.

“Sorry Sir! Late po ako!”, dali-daling bati ko dito.

Buti na lang hindi masyadong pansinin si Sir sa mga late. Kahit nga siguro 5 minutes before dismissal ka pumasok sa kanya, ok lang eh. Basta ba pagdating ng exams, siguraduhin mong kayang kaya mo ang ibibigay niya.

Pagkaupo ko, sakto naman na sakin na ibibigay yung paper ko kaya nilabas ko na ang ballpen ko at huminga ng malalim. WHOO. Kaya mo to, Athena. Tandaan mo lang yung tinuro ni Clyde kagabi.

“Pst! Athena!”, biglang bulong ni Brent.

“ANO?”

“May di ka sakin sinasabi ah! Mag-uusap tayo mamaya! Nako jusko.”

“Tsk. Oo na! Quiz muna, pwede???”

Buti na lang at gumana naman ang memorization powers ko sa mga formula ngayon! Wooo!! Kaso lang, medyo di pa naman ako sure sa mga sinagot ko kaya deds na naman ako nito T____T

Nang matapos na ko magsagot at nakaalis na si sir, dali-dali namang tumabi sakin si Brent.

“Uy, Athena. Bakit nandun kaninang umaga si TOP sa room natin ha?! Anong ginawa niya sayo, ha?!”, pagkukulit niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sa totoo lang, gusto ko munang magluksa sa quiz ko at KUMAIN. Hindi pa nga ko nagbreakfast diba.

“Tsk. Wag kang maingay ha---“

“OH  MY GOD! ATHENA! BAKIT?! SINASABI KO NA NGA BA EH DAPAT DI AKO NATULOG AGAD---“

Binatukan ko nga siya. Umiral na naman ang pagkaoverprotective at pagkaOA eh. Tsk.

“Dumating siyang lasing kagabi kaya dun ko muna pinatulog satin!”, bulong ko dito.

“HA? Dapat ginising mo ko!”

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon