Bumalik sa normal ang mga buhay namin. The school foundation week was now over at balik kami sa mga klase namin. Seryoso, akala ko hindi ko na mami-meet ang prof kong pagong sa math. HAY. Dreams shattered.
Good news: Bumalik na si Miss Graciel!!! (THROWS CONFETTI)
Bad news: Iniiwasan talaga ko ni Kian.
Okay. I’ve tried everything actually. Tumabi ako sa kanya sa Genetics subject namin since, groupmates talaga kaming tatlo ni Clyde. Pero lumipat siya ng upuan ng hindi man lang ako kinakausap.
“Something happened?”, tanong ni Clyde sakin.
Hindi ko siya nasagot at napabuntong-hininga na lang ako. Buti na lang at napakatalino po ni Clyde. He just smiled at me at tumungo na lang. He gets the point. Ayaw kong pag-usapan.
Pero may isang hindi nakakaintindi. Si TOP.
Lumipat siya dun sa bakanteng upuan na iniwan ni Kian at tumabi nga sakin.
“Nag-usap ba kayo nun?”, tanong niya.
Tinignan ko lang siya. I hope he gets the message na WAG-KANG-MAGTANONG-WALA-AKO-SA-MOOD sa mga mata ko.
“Ano?!”, pagkukulit niya.
“Hinde.”
“Seriously?”
“Hindi nga.”
Tinaas niya lang yung mga kilay niya sakin tas bumalik ulit sa upuan niya. Aish. Bakit ba siya hinahayaan ng lintek na prof namin?!
Oops. May-ari pala siya ng school. Shunga lang.
Natapos yung araw ng parang parusa ang bawat minuto. Hindi ko kasi makeri yung hindi ako kinakausap o tinitignan man lang ni Kian. Seryoso pala yung sabi niyang FORGET ABOUT ME.
JERK, isip-isip ko.
Pano ko siya makakalimutan kung bawat sulok ako humarap eh siya ang nakikita ko. Dalhin niyo na ko sa mental. ASAN NA BA KASI YUNG MGA SUSUNOG NG KALULUWA KO?!
Buti na lang at andyan si Clyde na dinidistract ako sa pagdadaldal niya. Ever since kasi na nagbati sila ni Brent ay parang gumaan na ang loob ko sa kanya. Medyo may awkwardness pa rin pag nawawalan ng topic pero keri lang kasi cute naman siya.
Ha? Sinabi ko bang cute?
Hinde. Hinde. Erase.
“Athena? May nangyari ba? You seem distracted.”, sabi ni Miss Graciel.
Nasa office kasi niya ko ngayon. Sabi niya kasi kitain ko siya.
“Ahh…wala po.” (KASINUNGALINGAN)
“No need to lie, Athena. Theodore told me everything.”
ASDFGHJKL
ANO?! AISH. ANG DALDAL TALAGA NG TOP NA YON. Ano yung buhay ko?! MMK? Ipapadala na lang kay Ate Charo ng walang sabi-sabi?! ARGH BWISET.
Napansin ata ni mam na hindi ako naging komportable.
“My apologies Athena. Concerned lang sayo si TOP.”, nakangiti nitong sabi.
“Err…sige po.”
“Anyways, Congratulations for being the Miss WAR 2013! Finally, a real girl getting the throne!”
Napangiti naman ako. HEHE, sweet revenge ko yun kay Joanna eh.
“Thank you po.”, ngiti ko.
“Hmm…should I tell you the other reason kung bakit ka andito?”, tanong niya.
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...