**********
***Author’s Note: The following narrations will be done in TOP’s Point of View. So don’t get confused. ;)
……
….
……
Ano ba naman yung babaeng yun? Sabi magsi-CR lang tas hanggang ngayon wala pa. Halos magkalahating oras na siyang hindi lumalabas ng restroom ah. Tinitignan ko naman yung bawat babaeng lumalabas, ni anino niya wala. Tsk. Nakakapagod maghintay ah.
Though I’m getting a bit soft for her, hindi ibig sabihin nun she can make me wait. Tsk.
“TOP!”
Nilingon ko yung tumawag sakin. Si Brent lang pala.
“Uy, TOP. Kanina pa naming kayo hinahanap. Aalis na tayo eh.”, paalala niya.
“Si Athena kasi eh. Wala pa.”
“Nasan???”
Tinuro ko yung Female restroom at nagets naman ni Brent.
“Actually, 30 minutes na siyang nasa loob. Jeez, ganyan ba yan katagal mag-CR?”, pagkakamot ko ng ulo.
“30 minutes?! Hindi ah! Kaya nga nyang maligo ng within 5 minutes eh. Baka naman may nangyari?”, tanong nito.
Naisip ko naman yung confession ko kanina. Baka nahihiya siya sakin or what. It wasn’t that surprising for me, though. Matagal na rin naman akong may gusto sa kanya pero siya lang yung stupid na hindi makagets. I hate it when girls act so dumb. But I guess for her, I’ll make a huge exception.
Siguro we waited for another 5 minutes and I knew I had it. Di ko na kayang maghintay pa. Ano ba kasing ginagawa ng babaeng yun sa loob ng ganung katagal?!
“TOP, ako na. Sisigawan ko lang mula sa pintuan. Baka sakaling marinig niya.”, suggestion ni Brent.
Nag-agree naman ako. Ayoko ngang mapagkamalan na nag-iinvade ng female restroom.
Narinig kong ilang beses sinigaw ni Brent yung pangalan ni Athena pero wala pa ring lumalabas. Nagpasya na tuloy akong sundan si Brent pero pagkatingin ko sa may pintuan, wala na siya. Pumasok na pala sa loob.
“Oy Brent! Anong ginagawa mo dyan?!”, demand ko dito.
“TOP? Siguro ka bang nag-CR si Athena? Eh wala namang tao dito eh.”, pagkakamot niya ng ulo.
O___O
“WHAT?!”
Nagsimula namang sumilip si Brent sa mga cubicles pero wala lahat laman. I was sure she never left this f*cking restroom! Nakabantay nga ko sa bawat lumalabas na tao eh. What the hell?!
“Sht. Should we call the police???”, tanong ko kay Brent.
“HA? POLICE AGAD? Siguro, hanapin muna natin siya dito. Di naman makakaalis yun.”, kalmadong sagot niya.
We had no choice. Tinawag din naman ni Brent yung buong 4th year just to find Athena around the vicinity. Inikot ata namin yung buong EK, pati na rin yung mga rides, pero wala. Pati yung ibang mga kasama namin, wala daw silang nakita na babae. Pasara na nga ata yung EK kakahanap namin.
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...