“Huy. Ano ba kasing nangyari? Ni isa sa inyo, ayaw magkwento eh.”, pagkukulit sakin ni Brent.
Tatlong araw na ata ang nakalipas ng dalhin namin si Clyde sa clinic. Okay na naman siya ngayon. Tinutuloy din naman niya ang pagtututor sakin tuwing dismissal pero hindi niya ko iniimik pa sa ibang bagay. Napansin din ata ni Brent na parang may nangyari kaya ilang araw na rin niya ko kinukulit.
“Bukas na yung outbound ah. Wrong timing naman yang away niyo.”, pagkakamot nito ng ulo.
“Hindi naman kami nag-away….”
“Oh eh ano? Ni hindi kayo nagpapansinan. Tapos parang nagkakahiyaan kayo araw-araw. Anong tawag mo dun?!”
“Kailangan lang ata nung tao ng space.”
“SPACE?! Ano kayo, magjowa????”
Binatukan ko nga.
“Tsk. Ano ba!”, sigaw ko dito.
“Joke lang. Ano ba kasi yun? Alam mo kung sinasabi mo sakin, edi walang problema! Baka matulungan ko pa kayo!”
Napabuntong-hininga na lang ako. Gusto ko rin kasing magkwento kay Brent, para malabas tong guilty kong feelings. Sumobra nga kaya ako sa pagsaway kay Clyde? Tsk.
Kinwento ko na nga sa kanya kung anong nangyari. Nasabi ko din kung ano yung mga masasakit na nasabi ko, kaya ko pinaalis ni Clyde nung araw na yun.
“Eh kaya naman pala eh....pagdating talaga kay Faye, medyo sensitive yun.”, sabi ni Brent sakin.
“Sa tingin mo….over-the-line talaga yung ginawa ko…?”
“Hmm…si Clyde lang naman makakasagot nyan.”
Buti na lang talaga at wala kaming klase ngayon. Naging tradition na daw kasi na before and after ng outbound, walang klase. Kung minsan talaga, di mo magagawang di mahalin ang WAR. Haha.
Wala kaming ginagawa ngayon kaya nasa cafeteria lang ang karamihan ng mga estudyante. Lunch time na kasi at madalas, maririnig mo na naman ang mga sigawan ng mga kalalakihan sa sobrang gutom. Pero sa kabutihang palad, halos walang tao sa caf ngayon.
“A---Asan sila? Diba lunch na?”, tanong ko kay Brent.
Pero nagkamot lang siya ng ulo niya at tumingin sa paligid. May mga nakita akong ibang estudyante, karamihan ay mga nasa first year nila pero ang ibang higher levels ay halos wala.
Sakto naman, biglang tumakbo papunta sa amin si Zelo.
“OY! ANONG GINAGAWA NIYO DYAN?! AUDITORIUM, DALI!!!!”,
Nagtinginan naman kami ni Brent na parang pareho ang tumatakbo sa isipan naming. Agad kaming tumayo at tumakbo papunta sa auditorium. Jusko, bat parang kinakabahan naman ata ako. Wala man lang kasi sinasabi ni Zelo kung anong meron. Parang naalarma lang yung muka niya.
Pagkarating namin sa floor ng auditorium, may narinig naman akong malakas na tugtugan. Parang may disco ba sa loob. Naguluhan naman ako kaya napatigil ako sa labas.
“Oh bakit, Athena?! Dalian niyo, si CLYDE!!!”, nagmamadaling yaya ni Zelo.
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...