* MULTIMEDIA:
Upper Left: JOSH ; Upper Right: JEFF
Lower Left: JARRED Lower Right: JOANNA / JOHN
---------------------------------------
Everything went under my plan. Hinati ang grupo sa apat. Sa offense, defense, ilang key players at mga flag keeper. Since ako naman daw ang may pasimuno ng lahat, nilagay nila ko sa key players. Syempre hinila ko si Brent kasama ko. Abot langit yata ang pagdadasal ko na sana gumana lahat ng sinabi ko. Di ko ata kayang i-let down lahat ng mga kagrupo ko, ngayong nasisiglahan na sila makipaglaban.
Leader si Jeff sa mga nag-offense. Ang lalakas ng mga tunog ng espada ng bawat estudyante at ang iba naman ay gumamit ng greek fire. Parang bomba lang daw yun ng usok, pero nakakaubo. Nakikita kong halos lamunin na naman ang troop namin ng malalakas na offense ng kalaban kaya binigay ko na yung cue.
Pagkapito ko, biglang nagsibabaan ang ibang mga kagrupo ko sa puno, na laking kinagulat naman ng mga Romans. Gusto ko sanang tumawa kasi pati si Joanna baklita ay napasigaw ng bonggang bongga. Nakita namin ni Brent na tumakbo na yung mga nasa flag port ng Romans at nakipaglaban na din. Yun na yung naging hudyat naming para kunin yung flag nila.
Tumakbo naman ako ng napakabilis na parang ibong nakawala sa hawla niya. Natatakot kasi ako na baka may makahuli pa samin. Nang malapit na kami sa flag, may biglang lumitaw sa likod ng batong malapit sa flag port ng kalaban.
“San ka pupunta?”, tanong ni TOP.
Napatigil kaming dalawa ni Brent. Shit. Wala kaming back-up. Umiral na naman yung takot ko sa halimaw na to. UGHH
“Akala ko…akala ko hindi ka kasali?”, sabi ni Brent.
“HA? Wala ba siya kanina???”, tanong ko.
“I don’t play this pathetic game, Athena. Pero nung nakita kitang patakbo ka na sa flag namin, tumayo na ko.”, nakakatakot na sabi ni TOP.
Bigla niyang kinuha ang flag nila at naglakad papunta samin. Syempre, nag-back off ako. Pero si Brent, pumunta sa harap ko. Wow. Paprince charming lang?
“Wag…wag kang lalapit kay Athena!”, sigaw ni Brent.
“Alam mo Brent, why don’t you make up with your best friend? Tutal dun ka naman magaling… Ay, wait. Ayaw na nga pala niya sayo.”, pang-aasar ni TOP.
Nakita kong tiniklop ni Brent yung mga kamay niya, parang manununtok na. Hindi ko alam yung sinasabi ni TOP, pero effective itong pampagalit kay Brent.
“Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Madaya ka kasi!”, sabi ni Brent.
“Sus. O sadyang trying-hard lang si Clyde?”
Sinugod na ni Brent si TOP. Napasigaw ako kasi tinapon lang ni TOP si Brent sa gilid na parang laruan. Gusto ko sanang tulungan si Brent kaya lang, nakatingin na sa kin si TOP. ARGHHH. Nakakainis. Bakit ba ko trip nitong lalaking to. Tuluyan siyang lumapit sakin at napapikit na lang ako.
HUWAG KANG DUWAG ATHENA…
Hindi ko hahayaan na saktan niya ulit ako…
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...