Sobrang lamig na ng hangin. Kanina pa ko dito nakaupo at hindi naman ako masyadong makagalaw. Natatakot ako na baka kapag tinangka ko rin naman na kumalas sa tali ng mga kamay ko, baka naman mahulog ako dito.
Hindi na rin naman nagsasalita si Jarred sa earpiece. Ano ng gagawin ko?! Pano kapag hindi niya ko balak talagang ibaba? T^T
Halo-halo na yung nararamdaman ko ngayon. Galit, takot, kaba at pag-asa. Meron akong feeling na hindi naman ako papabayaan ni TOP.
Ay este, ng classmates ko.
Pero hindi ko na talaga kinakaya yung lamig. Jusko po.
“TULONG!!!! TULUNGAN NIYO KOOOOO!!!!!”, sigaw ko sa itaas.
Malamang wala pa ring nakarinig. Kanina pa ko dito nagsisisigaw pero syempre nasa itaas kasi ako. Walang makakarinig sakin. T^T
Napabuntong-hininga na lang ako. Tumingin din naman ako sa locket na binigay sakin ni TOP.
O____O
ASAN NA???
Bakit wala na sakin?!
HALAAA!!! PAPATAYIN AKO NUN!!!!
Mababaliw na ata ako ng buti na lang tumunog na ulit yung earpiece.
“HOY JARRED ASAN NA YUNG LOCKET KO???!!!!”, agad kong sigaw dito.
Pero di niya ko sinagot. Sigurado naman akong nakabukas na yung earpiece kasi parang may naririnig ako dito.
Bigla namang nagsalita si Jarred pero parang nasa malayo lang siya….at may iba siyang kausap.
“Make yourself comfortable, kapatid.”, sabi ni Jarred.
“Wala kong kapatid na kasing sama mo. ASAN SI ATHENA??!!!”
O_____O
SI TOP! KASAMA NIYA SI TOP!!! YAAYYYY! I’M SAVED!!!
“Chill bro. Nagpapahangin lang siya.”, natatawang sabi ni Jarred.
“Wag mong inuubos ang pasensya ko, Jarred. NASAN NA NGA SI ATHENA?!”
“Masyado ka naman atang atat. Syempre, I have to propose a deal with you first.”
“Anong deal naman yun?!”, sagot naman agad ni TOP.
Tumawa ng malakas si Jarred. UGH NAKAKAGIGIL TALAGA TONG BAKLANG TO.
“Seriously, bro? Do you like that girl that much para maging interesado sa mga deals ko? Ni minsan hindi mo ko tinanong kung ano yung gusto ko.”, saad ni Jarred.
“That’s not the point here. Ano ba kasi yun?!”
“Tsk, fine. Simple lang naman. Talikuran mo ang pagiging susunod sa mana. TELL THEM I DESERVE IT!”
O_____O
NABABALIW NA SIYA. Bakit si Jarred???
Teka….tinatawag niyang bro si TOP ah…..
Hindi kaya….
“Hindi papayag si lolo sa gusto mo.”, pagmamatigas ni TOP.
“Ganun ba? Madali naman akong kausap eh.”
Nag-iintay akong may sabihin pa si Jarred pero mukang hindi ako nakapaghanda sa gagawin niya. Bigla na lang umandar yung inuupuan ko pababa ng pagkakabilis. AT OO, LUMUTANG yung katawan ko! JUSKO PO AKALA KO MAMATAY NA KO.
“WAAAHHHHHHHH!!!!!!!!”
Buti na lang hindi pa tinuloy ni Jarred hanggang baba. Napatigil ulit ako sa ere, pero mas mababa na ngayon.
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...