CHAPTER 15

7.4K 170 12
                                    

Ok. So first time ko siyang nakitang ngumiti. Ok rin pala. Cute din siya saka di na mukang masungit. Nawala pa yung pagkanerd niya. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Brent tungkol sa kanya, naawa na naman ako sa taong to.

Pero medyo awkward pa din talaga ang lahat habang naglalakad kami.

“Bilib din ako sayo Athena eh.”, bigla niyang sabi.

“Ha?? Nako…sumosobra naman talaga kasi yung Jarred na yun!”

“Di naman si Jarred. I was talking about TOP.”

“Uhhh…si TOP?”

“After years of persuasion, hindi umubra ang kahit ano  kay TOP. Pero ikaw….ikaw na bagong dating, you managed to do so.”

Parang hindi naman ako sure kung anong ibig sabihin ni Clyde sa sinabi niya. Akala ko naa-amaze siya sa nagawa ko pero sa palagay ko, para bang bitter ang tono ng pananalita niya.

“Anong…ibig mong sabihin?”, tanong ko.

“It’s been years since I’ve tried everything to make him lose to me. Natatalo ko siya sa lahat ng bagay, Athena! And none of my efforts have paid off. Ni isa wala.”

Dun ko narealize na si TOP pala ang issue dito. Yung lagi niyang pagkabigo pagdating kay TOP…

“Clyde, isang Ramisses si TOP. Gusto kasi ng magulang niya na---“

“Screw that excuse! Alam mo ba yung pakiramdam na alam mong ikaw ang pinakamagaling pero tingin sayo ng lahat ay second best?!”

“Hindi naman sa pagiging academic head umiikot ang mundo ng tao, Clyde. Saka…hindi naman gusto ni TOP ang mga nangyayari eh.”

Hindi ko alam kung bakit ko pinagtatakpan ngayon si TOP. Parang kasing simula nung nalaman ko yung sa kanila ni Miss Graciel, mas lalo ko siyang naintindihan. Pero si Clyde, mukang mahihirapan siyang intindihin ang kalagayan ni TOP.

“May mga kaibigan ka pa, Clyde. Andyan pa si Brent.”, diin ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot. Nakarating na pala kami sa room namin kaya napatigil na din siya.

“Andito na tayo.”, sabi niya.

Gusto ko sanang pagaanin ang loob niya sa mga nasabi ko kaya lang parang ayaw na niya makipag-usap sa tono niya.

“Ahh…salamat Clyde.”

Papasok na sana ako ng naalala ko yung libro niya.

“AY! Clyde! Wait ka lang dito ha?”

“Ha? Bakit?”

Nagmadali ako papunta sa kwarto ko at kinuha yung plastic na bigay sakin ni TOP. Dali dali akong lumabas ulit at binigay it okay Clyde.

“Uhm…ano to?”, naguguluhan niyang tanong.

“Buksan mo.”, ngiti ko sa kanya.

Tinanggal niya nga ang mga staplers nito at nilabas yung makapal na libro. Unang kita pa lang niya, alam kong di siya makapaniwala sa nakikita niya.

“Panong…?”

“Nalaman ko kasing hinahanap mo yan. Kaya…sinubukan ko ding hanapin para sayo.”

“S-s-salamat ha….”, mahina niyang sabi.

“Peace offering ko dapat yan nung nagblood typing tayo eh. Kaso matagal na bago ko pa naibigay.”, pagkakamot ko ng ulo.

Ngumiti na naman siya. Pero parang medyo malungkot.

“Ok lang. Pasensya ka na din sa temper ko ah.”, sabi nito.

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon