YIIII Hello @jiggerbaboy! Para sayo tong chapter na to. Thank you sa pag-appreciate ng work ko! :D <3
Ito na ata ang isa sa mga pinakamasayang araw ko sa WAR. Nakakaoverwhelm ang party na hinanda ng mga kabuilding ko sa cafeteria. Nagdecorate pa sila ng mga palawit sa gilid at may customized cake pa na may pangalan ko. May music din na pagkalakas-lakas na nagmukhang disco yung caf. Madilim din tapos nanghiram sila ng lights sa multimedia office. Nakakaloka, para kasing nasa bar kami. Nakita ko sina Zelo, Jeff at Clarence na nagpapatalbugan sa ginawa nilang dance floor at yung iba naman ay nagchi-cheer lang.
Kami nina Brent at Kian ay nakaupo lang sa table namin, kuntento na sa soft drinks.
“Brent! Sayaw ka!”, tukso ko kay Brent.
“HA???”
“Sabi ko! Sayaw ka! Haha!”
“Uy diba Brent sumasayaw ka dati?”, biglang singit ni Kian.
Napatitig naman ako kay Brent. Niloloko ko lang siya eh…tapos marunong pala tong mokong na to???
“TALAGA??? SAYAW KA NA BRENT!!!!”, sigaw ko.
“Hindi…hindi na ko sumasayaw eh.”
“Ang KJ naman nito eh! Sige na pleaseee?”
“Ayoko nga, Athena! Manuod ka na lang kina Zelo ohhh.”
“Haha, sige na Brent. Halos lumuhod na si Athena oh.”, sabi ni Kian.
Tinignan naman ako ng masama ni Brent, pati na rin ay Kian. Tapos bigla na siyang tumayo. Syempre, humiyaw ako at sinigaw ko pangalan ni Brent. YEEES MAKIKITA KO NA SIYANG SUMAYAW!!!!
Biglang pinaiba ni Brent yung tugtog into something hip hop. Natulala lahat sa kanya ang mga nasa dance floor at nag-give way sila para makapunta si Brent sa gitna. Nagulat na lang ako ng bigla bigla siyang humataw at nagbreak dance.
“OH MY GOD BRENT ANG POGI MOOOOOO!”
Halos matanggal na ang ngala ngala ko kakasigaw at kakacheer kay Brent. Di ko kasi inaakala na napakagaling talaga niya sumayaw! Alam mo yung natural na sa katawan niya ang gumiling at magtumbling tumbling? Jusko naging fan girl na ata niya ko.
Tuloy tuloy pa rin ang hiyawan kay Brent kahit natapos na siyang sumayaw. Tinatapik naman siya nina Zelo, siguro dahil nakuha na niyang sumayaw ulit. Kahit pawis na pawis siya, kitang kita ko na naging masaya siya sa ginawa niya.
“Sayang, wala si Clyde.”, sabi ni Kian.
“Ha…?”
“Duo kaya sila dati. Sila ang pinakamagaling na dancers ng school. Cool nga nila eh.”
Si Clyde din? Marunong sumayaw? Woooow. Di ko maimagine.
Nang bumalik si Brent sa table, niyakap ko siya mula sa likod.
“KYAAAA BRENT!!! CRUSH NA KITA!!! HAHAHA”
“Aiiisshh. Bitawan mo nga ko Athena, nasasakal ako eehh!”
“Ang arte naman nito! Basta ang galing mo talagaaaa!!!”
Habang nilalamog ko si Brent, bigla namang inagaw ni Jeff ang dance floor at kinuha ang mic.
“Ok ok guys! Siguro kailangan natin i-welcome ang nag-iisang taga-Romans dito! KIAN! Kumanta ka dito!!! DALI!”
“Uy…Kian daw!!”, sigaw ni Brent.
“Kakanta ka, Kian???”, napakagaling na tanong ko.
Ngumiti na naman siya sakin na parang matutunaw na ang mundo ko.
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...