Natapos ang morning classes ko na matinding pag-iisip pa din ang ginagawa ko. Habang naglalakad ako papuntang 4-A, di ko magawang makalimutan yung sinabi sakin kanina ng mga mokong na yun.
“We’re not joking, Athena. Baka makidnap tayo. Kaya kailangan may partners.”
“Alam mo bang ang outbound ang pinakadelikadong araw para sa mga estudyante ng WAR?”
“BABAE ka. Nag-iisa sa WAR. Sa tingin mo hindi ka wanted sa mga fangirls namin?”
“Kaya kung ako sayo maylabs, magtatago na ko. Hindi mo magugustuhan ang kaya nilang gawin.”
Iniling-iling ko yung ulo ko baka sakaling tuluyan na nga kong mabaliw sa naiisip ko. Pero pano kung…may dala dalang mga malalaking tinidor yung fangirls nila? Pano kung kidnapin nila ko at hindi na ko ibalik sa mama ko?? Pano kung ilunod nila yung muka ko sa malaking drum ng tubig?! PANO KUNG KATAPUSAN KO NA SA OUTBOUND NAMIN?!!!
Biglang may tumusok sa noo ko. Saktong-sakto pa talaga sa may sugat ko.
“Oy. Nababaliw ka na naman.”, sabi ni TOP.
Pinalo ko yung kamay niya. Ang bwisit na to.
“Ouch! Ikaw na nga tong ginigising sa kapraningan mo eh.”, reklamo nito.
“Ouch ka dyan! Nakikita mo ba tong sugat kong to?!”, turo ko sa noo ko.
“San? Ito?”, pinindot niya uli.
“ARAY SABI EH!! AISH!!!”
Ngumisi lang naman siya. Bastos talaga to. Nako! Di ko nga sasabihin na nakaisang mali lang ako ngayon sa Statistics seatwork namin. Baka lalong lumaki ulo eh. UGH
“Oh! Clavelle!”, kaway sakin ni Josh mula sa pinto ng classroom.
“Uy. Kamusta na??”, kaway ko din sa kanya.
“Tss. Muka kayong tanga. Bat di ka kaya pumasok?”, singit ni TOP.
Inirapan ko lang siya. Pumasok naman ako agad sa classroom at inakbayan naman ako ni Josh. Err, medyo di pa rin talaga ko sanay sa pagiging clingy niya.
“Have you read the notice, Clavelle?”, ngiti nito sakin.
“Ah, yung sa outbound? Oo.”
“That’s good! I was thinking that you should be my partner!”
O___O
“Ha? Uhhh…eh kasi ano.”
Wala akong maisip na dahilan kung pano ako tatanggi. NAKO. Di pwedeng si Josh ang partner ko! Pano na ang buhay ko?! Kilala pa naman to bilang isa sa mga campus crushes! Pano kapag nalaman ng fangirls nila na ako ang partner niya?! HINDI PWEDE TO!
“O c’mon! It’ll be fun! I promise not to take you away from my sight!”
“Nako, uh…meron na kong partner eh!”
“Really?! But I checked 4-B kung may partner ka na. Sabi nila wala pa.”, pout nito.
-_______-
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...