“Jusko Athena, andito ka lang pala. Kanina pa namin hinahalughog ang buong campus ah.”, saway ni Brent sakin.
Isang linggo na kasi ang nakakalipas simula ng umalis na nga si Kian. Basta paggising ko na lang kinabukasan nung gabing yun, wala na daw siya. Nakakalungkot na nakakatawa na lang pag naiisip ko yung huling bilin niya. Just be happy daw. Kaya pag feel ko na namimiss ko yung mga ngiti niya, dito ako tumatambay sa rooftop.
“Sandali na lang, Brent.”
“Ha? Ano bang ginagawa mo dyan? Andun na si Clyde sa baba!”
Ay oo nga pala! Nako nako. Dali-dali ko naman iniwan saglit ang pag-eemo ko dito. Tumakbo ako pababa ng room namin at nagpaalam si Brent na doon muna siya kina Zelo. Sabi ko kasi sa kanya, ayoko ang presensya niya pag nag-aaral ako. Nakakdistract kasi ang mga ingay niya. Parang gusto ko siya laging katayin.
Ayun nga. Pagkarating ko, inabutan ko si Clyde na may sinusulat. Whew. Buti na lang! Kapag kasi nakasalampak na ang ulo niya sa mesa, ibig sabihin, pinag-antay ko siya ng matagal. Nyay. Ayoko ng mapagalitan niya ko.
“Clyde! Err, sorry. May pinuntahan lang.”, hingal hingal na sabi ko dito.
Tinignan niya lang ako ng diretso at saka tumayo. Nako nako. Galit ata!
Mas kinabahan ako ng bigla siyang naglakad papalayo. Hala? Magwowalk-out?
“Uy. Pasensya na talaga, nakalimutan ko kasi---“
Napatigil ako ng pumunta siya sa dining area namin at kinuha yung bote ko ng tubig. Inabot niya sakin yun ng seryoso pa rin muka niya.
“Oh. Inumin mo na yan. Hindi mo naman kailangan tumakbo.”
Nakipagtitigan lang ata ako sa kanya. Nagulat kasi ako. Di ko ineexpect na bibigyan niya pala ko ng tubig. Akala ko aalis na. Whew.
“Ano? Should I open it for you?”, sabi nito sakin.
“Ha, nako. Hindi na---“
Hindi na naman niya ko pinatapos, binuksan niya yung bote ko at inabot na nga sakin yung tubig. Tapos bigla niya ko nginitian. Err. Tindi ng mood swings talaga minsan nito ni Clyde.
Pagkainom ko, tuloy na agad kami sa pagtutor niya. Since malapit na nga ang finals namin, tutok na tutok siya sa pagtuturo sa akin. Pati nga notes niya habang nakakaidlip ako sa klase ay binibigay niya para mapagaralan ko daw. So basically, sabay kami laging nag-aaral. Tutal mabilis naman siya makaabsorb ng lessons namin, hindi daw problema sa kanya ang pagsasabay naming mag-aral.
“Ayan, habang hinihintay kita dito…gumawa ako ng mock quiz. Sagutan mo na yan, isusunod ko na ang Stats mo.”, strict na sabi nito.
“HA?! Akala ko ba bukas pa yun? T^T”
“No. I’ve changed our sched. Eh kasi naman nung tinanong ko si prof about your performance, static pa rin ang grades mo. Jeez, Athena. I’ve given you all the formula ah?”, pagkakamot nito ng ulo.
-______-
Medyo nahiya naman ako. Ang totoo kasi nyan, hindi naman si Clyde ang nagkukulang. Ako. Nadidistract kasi ako pag naiisip ko si Kian. Eh since boring yung subject namin, madalas lumilipad ang isip ko. Hay.
“Sorry na.”, yun na lang nasabi ko habang napayuko.
Tinusok niya yung pisngi ko tas ngumiti na naman siya.
“Tss. It’s okay. Alam ko naman ang pinagdadaanan mo.”
“Uhhh….alam mo?”
Ngumiti lang siya. Ano ba to si Clyde, Kian the second? Tch. Nakakatunaw eh, alam niyo yun?
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...