CHAPTER 3

10.9K 236 3
                                    

*Multimedia: Zelo (left), Liam (right) :D

Halos one hour na kong nag-aayos ng gamit. Pati ata alikabok na kay liit natanggal ko na sa kisame. Kung pano ko naabot? Basta. May lahing spiderman eh. Gusto ko sanang lumabas nan g kwarto ko kaya lang…..kaya lang….baka nandyan yung roommate ko.

Hindi naman sa natatakot ako. Kaya lang mung-abnoy kasi. Tatakbo na lang ng walang dahilan. Sus ko naman, kanina pa ko dito mukang unwelcomed. Sakit kaya sa balun-balunan? Pero nabobored na talaga ko. Hindi ko natiis kaya tumayo na ko at naglakad palabas ng room namin.

Wala na namang tao sa corridor. Hapon na ah? Asan kaya yung mga yun? Imposible namang nasa loob sila lahat. Nag-aaral? Hindi rin. Bagsakan pala to ng mga below 90 eh.

Bigla akong dinalaw ng pagka-ihi.

“SHIT. San ba yung CR dito? Wala namang naituro si Jonathan na….girls’ CR.”

Nakakainis naman. Hindi kasi ako umihi bago pumunta dito eh. Naglakad ako palayo ng building naming, naghanap sa sulok sulok na maiihian, kaya lang puro talaga pamboys. ANO BA YAAAN. Sasabog na pantog ko eh. -_-

Umabot na ko sa groundfloor hanggang nakita ko ang malawak na field. Ok. So para siyang park. May bricked na daan tas yung iba, may mga puno na. You get the picture. Basta ang ganda.

WOOOOW. Ang ganda talaga dito. Kundi lang wirdo mga tao dito, ayos na eh. Nang bigla na namang nagparamdam yung pagka-ihi ko. UGGGH. ASAN NA KASI ANG BANYO?? ANO BA YAN. Aalis na sana ako sa field ng may Makita akong tao. Tao sa ilalim ng puno, sa may bench, may nakaupong lalaki. Nilapitan ko siya ng dali dali hanggang nasa harap na niya ako. Syempre di ako nagpakitang ihing-ihi na ko.

“AH, excuse ah? Alam mo ba kung san ang CR?”

Hindi siya tumingin sakin. Tinignan ko yung mukha niyang nakatungo, may headphones pala. Sa sobrang urgency ng pakiramdam ko, tinanggal ko to.

“AH EXCUSE AH. NASAN YUNG CR?!”, ang lakas na ng boses ko.

Ngayon tumingin na siya. Napatunganga na naman ang lola mo. Ok. Bieber haircut siya, pero bagay sa kanya. Di naman din ako nainis. Medyo maamo ang mukha niya tas ang kinis pa. Kahit na nakakunot ang noo niya sakin, pogi pa rin. Di na ko halos makapagsalita ng naisipan niyang kunin sakin yung headphones niya.

“Sino ka?”

NAIIHI NA TALAGA KO. Wala na kong panahong mag-introduce.

“Uhm…mamaya na lang yan! Naiihi na talaga ko eh. Nasan ang girls’ CR?”, madali kong tanong.

Nakatingin lang talaga siya sakin. Oo alam ko iniisip neto. Na babae ako,  na bakit ako nandito at kung ano ano pa. Pero SERYOSO KASI MAIIHI NA KO KAKATITIG NIYA.

“Alam mo, nice talking talaga eh. Pero dyan ka na!”, halos tumalon na ko sa sobrang pagka-ihi.

Nang tumakbo na ko palayo, bigla siyang nagsalita. HAY NAKO, ANG BAGAL NG REFLEXES.

“Meron dyan sa tabi ng accounting.”

Di na ko tumingin pa at tinakbo ko na ang accounting. Malapit lang naman yun sa principal’s office kanina. Saka na ang thank you, magkikita pa naman yata kami ni kuya. Nang Makita ko ang CR, ako na ata ang pinakamasayang babae sa balat ng WAR. Akala ko haunted ang CR, kasi nga walang babae dito. Pero mukhang bagong linis lang at ang bango pa. Dito na lang kaya ako matulog?

Natapos akong mag-CR at laking gulat ko ng may babae na nagsasalamin. Nanlaki ang mga mata ko at bigla ko na lang siya niyakap.

“AHHHH! BABAE KA RIN! BABAE KAAAA!”, medyo weird ata, pero yun ang nasigaw ko.

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon