CHAPTER 1

32.3K 368 36
                                    

*ATHENA CLAVELLE on the multimedia :)

---------------------------

"Pasensya na po kayo. Nagkamali lang po ako ng pinasukan.", nangangatog na sabi ko sa principal.

Mga mapanuring mga mata ang pumapalibot sa akin ngayon. Kahit na nasa loob ako ng principal's office, kitang kita ko naman ang mga tinging ng ibang mga estudyante mula sa glass window ng opisina. Pagpasok ko pa lang dito, gusto ko na agad umalis. Bakit kamo? Aba. Hindi lang amoy paa ang office na ito, puro medyas pa na nakasabit na parang banderitas ang sumalubong sa akin. Kung hindi lang nakaalis na sina mama, tumakbo na ko papalabas ng sumpang school na to

"Mali? Iha. Malinaw sa transferee papers mo na dito sa WAR ka pinasok. Di ko nga alam bat na-authorize ka eh.", sabi ng principal.

"Sabi ko na eh! Mali po yan diba? Hindi po dapat ako nandidito diba???"

"Ano ka? Sineswerte? Nakasaad sa handbook ng paaralan na ito na kapag nauthorize ka na dito, wala ng atrasan. Effective yun ng 6 months. So, 6 months kang on probation."

May pagkacasual naman pala itong principal na to kaya feeling ko, okay lang kahit sagut-sagutin ko siya. Hehe

"6 months?! Ang tagal naman nun!", reklamo ko habang nandabog ako.

"Well. Wala na kong magagawa. Ipinagkatiwala ka dito, kaya responsibilidad ka namin. Welcome to WAR, Miss....Conjuangco"

Gusto kong makapatay ng...hayop. Nakakainis kasi yung muka ng principal tapos aburido pa ko sa pagpasok ko dito. Ang liit kasi niya tapos sa gitna pa nakahati ang buhok. Sabagay, kasing wirdo niya ang school na to. Tumingin ako sa sa labas, pero bigla ng nagalisan ang mga lalaking estudyante. Natakot siguro sa galit kong mukha.

"Aalis na po ako."

"Teka. Kamag-anak mo ba sina Kris Aquino? Big time ka ah!"

Nasabi ko ban a pinaka-hate kong tanong yun? Hindi ata eh.

"HINDI PO. Mas lalong di ko kamag-anak sina ninoy, noynoy o si cory. Ok po?"

Paalis n asana ako ng office niya ng may hinagis siya. Buti na lang nasambot ko.

"Susi?"

"Sa kwarto mo yan. Siguro naman alam mo na by dorms ang tirahan dito?"

Tinignan ko ang dilaw na susi na may nakalagay na room 203. 2? Second floor lang ata yun. Keri na yan. Pero inis pa din ako. Ayoko ditto at tatawagan ko si mama! Nung nag-dial ako ng number niya, as usual ringback tone ang kaagad na narinig ko. Lalo namang kumulo ang dugo ko ng marinig ko ang undergoing-puberty voice ni BIEBER. Tumutugtog kasi ang "AND I WAS LIKE, BABY! BABY! BABY! OHHHH~~~" Shet na malupet talaga ang nanay ko. Feeling bagets eh. Ayaw ko kasi kay Bieber. Never been a fan, actually. Buti na lang, sumagot na siya.

"Athena??? Baby? Kamusta ka naman?", excited na sagot niya.

"MA. Ano ba tong lugar na to?? Sigurado kang eskwelahan to? Feeling ko circus eh. Parang joke time."

"Ano ka ba! Ilang beses ko bang sasabihin sayo, pang-mayaman yan! Tapos naka-scholarship ka pa! Be thankful na lang anak, ok? Buti nga ang bait ng boss ko eh. Benefit ko kaya yan dito sa bago kong nilipatang opisina."

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon