CHAPTER 11

8.1K 184 15
                                    

* Lovely ATHENA in her uniform sa multimedia! :") Bat kaya gulat ang ating bida? Basa basa din! ^^

____________________

“Huy Athena!”

Nadistract ako sa pagkatulala ko. Tinignan ko yung nasa tabi ko ngayon, si Jonathan pala. Nakakawala kasi sa ulirat lahat ng nangyari kaya nagpahangin muna ko sa grounds. Medyo malamig pa naman ang hangin, tahimik pa kasi linggo ngayon.

“Bat ka naka-uniform?”, natatawa niyang tanong sakin.

“Ahh…eh, akala ko may pasok ngayon.”

Sinuri niya ko ng para bang hindi niya ko nakikilala. Tapos kinatok niya yung ulo ko.

“Aray. Para san yun?”

“Tignan mo nga yang hitsura mo. Para kang namatayan diyan!”

Napabuntong hininga naman ako. Gusto ko sanang sabihin sa kanya lahat ng nalaman ko, pero naalala ko bawal nga pala. Nakiusap pa nga sakin si TOP na huwag kong sabihin kahit kanino. Pero kahit anong gawin ko, naba-bother talaga ko.

“Huy! OK KA LANG BA???”, kulit sakin ni Jonathan.

“Ha? Oo. Oo…”

“Ay nako Athena. Hindi pa naman ako sanay na ganyan ka. It’s either kasi kasama mo si Brent ngayon o si Kian maylabs mo.”

Pinalo ko siya sa balikat niya. Nagising tuloy ang diwa ko ng marinig ko ang pangalan ni Kian. Hehe

“Suuus. Lande!”, pang-aasar ni Jonathan.

“Parang ikaw hindi ah?”

Nagtawanan kami at alam ko na wala ang dati niyang pagtataray sakin. Dapat pala tinatakot ang mga tao dito ano? Gawin ko kaya yun kay Joanna baklita? Baka tigilan na niya ko.

“Hmm, pwede magtanong Jonathan?”

“GO.”

“Bakit mo nagustuhan si TOP?”

Napangiti na lang siya. Alam mo yung ngiting hindi masaya, hindi rin naman mukang fake. Para bang pag naririnig niya ang pangalan ni TOP, naalala niyang hanggang crush na lang talaga siya sa kanya.

“Believe me, Athena. Ilang beses ko na tinanong yan sa sarili ko.”, sabi niya.

“Sus. Hindi naman pwedeng hindi mo alam.”

“Hmmmm….siguro kasi….yung mga mata niya. Hindi mo ba napapansin? Parang iba eh.”

Naalala ko na naman kung pano niya ko tinignan kanina. Yung mga matang nangungusap na huwag ko daw sabihin sa iba. Yung mga matang halos tunawin ka makuha lang ang gusto niya. OO, NAPANSIN KO NGA.

“Uhhh…hindi eh.”, pagdedeny ko.

“Tsk. Si Kian lang kasi nakikita mo eh!”

“Pst! HUY! Ito talaga. Pag narinig na naman tayo ni Kian, lagot ka sakin!”

“Ha? Narinig tayo ni Kian??? Kelan?”, nanlaki ang mga mata niya. Pero singkit pa din siya. Haha

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon