EPILOGUE

5.9K 146 12
                                    

Dumating din ang huling araw ng school days. Kakatapos lang ng final exam namin at nakalipas lang ang isang oras, sinabihan na agad ako ni Miss Graciel na umangat ang grades ko. Hulaan niyo kung ano yung average ko?

90.45!!!!

 

WAAHHHHHH!!!

SCHOLAR PA RIN AKO!!!!

Syempre, di ko nakalimutang pasalamatan sina Clyde at TOP na naging tutor ko bago ang exams. Halos sabay kaming nag-aaral tatlo para lang mareview nila ko sa mga weak points ko. Si TOP pa rin ang bahala sa Statistics ko pero mas pinili niyang maging supervisor sa ibang subjects ko din, habang tinuturuan ako ni Clyde.

As tutor, proud na proud sakin si Clyde na nagtatalon siya sa tuwa nung nalaman niya ang average ko. Si TOP syempre, hindi naman nagpahuli. Para tuloy silang mga unggoy kakatalon na pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Hay jusko.

Gaya ng napag-usapan, nagkaroon ako ng deliberation. Pinapunta nila ko sa principal’s office kasama si Miss Graciel na may hawak ng records ko. Inantok na ata ako sa haba nung nireport ni Miss Graciel sa harap ng principal, pati na yung nagawa kong iskandalo noon kay TOP ng di ko sinasadyang suntukin siya ay kasama. Sa huli, wala namang nakitang offensive sa record ko at ako din ang pinapili nila.

“Miss Athena, would you still like to stay for another year here in WAR?”, sabi nung principal.

Tumingin naman ako kay Miss Graciel, ngumiti lang siya at pinisil niya ko ng maigi sa kamay ko.

----------------------------

Pagkalabas ko ng principal’s office, nakita kong ang daming nag-aantay sa labas. Andun lahat ng kakilala ko mula 4-A hanggang 4-B. Grabe naman tong mga to. Lahat curious kung sa anong naging desisyon ko.

“ATHENA!!!! ANO?! MAKIKITA PA NAMAN KITA NEXT YEAR DIBA?!!”, pagmamakaawa sakin ni Zelo.

“NAKO ATHENA MAYLABS! MADAMI PA TAYONG GAGAWIN! DIBA MAGSE-STAY KA???”, tanong ni Clarence.

“Clavelle, please tell me you’ll stay!”, sabi naman ni Josh.

“TSK! GUYS! Ano ba! Pagsalitain niyo naman si Athena!!!”, sigaw sa kanila ni Brent.

Nagsitinginan lahat sila sakin, naghihintay ng sagot ko.

Napatigil naman ako ng nakita ko si TOP sa may gilid, nakasandal lang sa dingding. Nakatingin na naman sakin siya ng diretso, ng walang anong expression sa muka niya.

**** THE DAY BEFORE *****

“Athena, huy! Gising!”, pag-aalog sakin ni TOP.

Tinignan ko yung orasan, 2 am na ng umaga. Mamaya lang exams na namin ulit. Tas bukas saw akas, tapos na ang finals! Pero sa ngayon, kailangan ko pa din talaga mag-aral! WAHHHHH!!!

“TOP’s right, Athena. Kailangan mo mamaster yung formula. Test na natin mamaya sa Stats diba???”, mahinahong paalala sakin ni Clyde.

Nagkamot naman ako ng ulo. UGHHHH wala na talagang pumapasok sa utak ko eh. T^T

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon