*TOP on the multimedia
-----------------------------
Natapos ang Monday ko ng bagsak na naman ako sa kama. Buti na lang kamo walang kaming homework dahil di ko rin naman sila magagawa. Bagong araw, bagong schedule na naman. Math ang unang subject at sa 4-B ako ngayon. Whew, thank you po.
Nagising ako ng late kaya wala na si Brent sa room namin. Nagmadali naman akong magready at tumakbo na ko papunta ng classroom namin. Buti na lang, di pa ko late.
“Good morning Athena!”, bati ni Jeff.
Ngumiti naman ako sa kanya at kumaway. Nakita din ako ni Clarence at hinarang ako.
“Athena! Mcdo ka ba?”
“Ha? Bakit?”
“Kasi, napapa-OH HOORAY FOR TODAY ako eh.”
Binato tuloy siya ng notebook ni Jeff.
“Korni mo talaga Clarence!”, sigaw ni Jeff.
“Bakit ba??? Friends kami ni Athena eh! Diba, Athena???”
“Haha. Oo na. Ang aga aga, bumabanat ka.”
“Syempre, basta ikaw!”
Nakita ko naman si Brent na natatawa din at dali-dali akong tumabi sa kanya.
“Uy, Brent! Sorry ha, late ako nagising.”
“Okay lang. Alam kong pagod ka. Kamusta pala klase mo sa 4-A kahapon?”
“Ayun…nakasurvive naman ako. Hay, kung alam mo lang, Brent. -____-“
“Oh, kwento ka na. Math naman eh. Petiks lang yan.”, biro niya.
“Petiks??? Mahina kaya ako sa Math.”
“Haha, okay lang yan. Andito naman ako.”
Bigla namang sumingit samin si Clarence at si Jeff.
“Ikaw talaga Brent ha! Inaagaw mo ang Athena ko!”, sabi ni Clarence.
“Ano bang sinasabi mo?!”, inis na sabi ni Brent.
“Suuuuus. Dati panuod-nuod ka lang ng po---“
Hindi na natuloy yung sinasabi ni Jeff dahil tinakpan nan i Brent yung bibig niya.
“ANO KA BA! HAHA, wag ka makinig sa mga to, Athena! Jokers eh.”, paliwanag ni Brent.
“Hindi mo ba alam, Athena??”, tanong ni Clarence.
“Ang alin???”
Binatukan naman siya ni Brent. Natawa na lang ako kasi ang kulit talaga nila. Nakakatuwa. Hindi tulad sa 4-A, akala mo killjoy lahat sila. Hay. Dumating na si prof pero mukhang tama nga si Brent. Hindi ka naman maeenganyo making sa sobrang bagal ni sir magsalita. Ni hindi na nga nag-greet eh, diretso siyang nagdiscuss.
“Ahhh…wag ka making kina Jeff ah. Mga loko yun eh.”, sabi ni Brent.
“Haha, wag ka mag-alala. Di ko naman sila naintindihan.”
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...