TW: Death
Nang sumapit ang araw ng Sabado ay agad akong naghanda dahil magkikita kami ni Kayzen sa coffee shop na napag-usapan namin. We will be organizing our plans for our project. Gusto rin kasi naming maging maayos ang kalalabasan nito. Balak kasi naming baguhin ang iprinopose naming topic kay ma’am dahil gusto raw nito ng bago, she told us that the higher batch had already conducted the same study, pero para sa akin naman ay hindi naman magkakapareho ang participants na kukuhanin namin kahit na pareho ito ng topic. It is part of research, actually, kahit may pagkakapareho ang topic namin ay may halaga pa rin yun lalo na’t ang diskriminasyon sa parte ng komunidad ay isa sa pinakamalaking isyu sa bansa na gusto naming maiparating sa marami.
But still, we had no choice but to change it. We decided to conduct a study about the lived experiences of gay construction workers, at fortunately, pumayag naman ang prof namin.
Rainbow Hard Hats: The Lived Experiences of Gay Construction Workers.
Looking at our topic motivates me. Hindi lang dahil gusto naming pumasa, kundi dahil gusto naming makisama sa mga panawagan ng komunidad. Actually, this was one of the difficult projects we have. Kasi bukod sa gagawan namin ito ng papel ay gagawa rin kami ng dokumentaryo rito. But thinking about the purpose of our study—which is to fight for the freedom and acceptance of LGBTQIA+ community in this society that is full of heteronormative mindset—ay nakakawala ng takot na suungin at gawin ang proyekto. This might cost our energy, pero para sa komunidad ay maninindigan kami.
“Ang ganda ng topic natin, Thon. Nag-search na rin ako sa internet ng tungkol dito, maganda rin na isulong natin knowing kung gaano kalala ang heteronormativity sa bansa natin, lalo na sa mga male-dominated fields, kasi rito minsan nangggagaling ang diskriminasyon at kritisismo sa mga miyembro ng community.” Saad niya.
“Ayun, may pumayag na!” Nagulat naman ako sa biglang pagsalita ni Kayzen.
“May na-contact akong construction worker na malapit sa amin. Tinanong ko kung pwede ba siyang ma-interview, pwede naman daw! Ang kaso ay kailangan lang nating pumunta sa mismong site para makuhanan natin siya for documentary, ayos lang ba sa’yo?” Tanong nito sa akin.
Since we already had questions prepared for the interview, we decided to go straight to the construction site where the participant was working. Bumili na lang din kami ng token of appreciation na tiyak ay maiuuwi ng participant pagkatapos.
“Ikaw na ang kumausap, Thon, ha?” Pakikiusap nito na sinang-ayunan ko rin naman.
Nang makarating kami sa construction site ay agad naming hinanap ang participant namin.
Dahil hindi kami pinayagang pumasok sa site gawang delikado, naghihintay na lang kami sa waiting area. While waiting for them, we saw a couple of construction workers teasing someone. They’re casually caressing the guy’s butt while laughing.
“Ang selan mo naman, Manny! Gusto mo tabi tayo sa barracks mamaya?”
Wala namang sagot ang isa at nanahimik na lang. Patuloy lang sila sa paglalakad nang mamataan kami ng lalaki na inaasar ng mga kasamahan niya.
Agad naman itong ngumiti sa amin at doon ko napagtanto na siya pala ang kakausapin namin nang lapitan ito ni Kayzen.
Dali-dali rin naman kaming nagsimula para hindi kami abutin ng dilim sa lugar.
“Ah… I’m Elthon po. We would like to thank you po for giving us a chance to interview you. By the way, can you state your name?” Tanong ko rito,
“Manny Baldovino. Kuya Manny na lang.” Saad niya at agad naman akong dumako sa pagtatanong sa karanasan niya bilang constduction worker.
“Mag-isa na lang ako. Wala akong anak, pamilya, ang magulang ko ay matagal nang namayapa. Hindi na rin ako nakapag-aral pa dahil wala na akong sapat na pera, kaya namasukan ako. Naging katulong, tagalinis ng sasakyan, streetsweeper, at ito ngayon, ang pagiging construction worker,” pagkekwento nito sa amin.
YOU ARE READING
Rainbow Behind Stars
أدب المراهقين[BL STORY] | Ongoing They met when they were in junior high school, where friendships sparked. Their bond was undoubtedly one of the strongest, but not until a reason blew up for Keith Elthon to leave their province, his friends, and Zane. It was go...
