“Ginagawa ko na ang theoretical framework, Zen.”
Saad ko kay Kayzen habang nakaharap sa computer sa loob ng library. Nagpasya kasi kaming dito gawin ang thesis namin ngayong third year. Dahil successful ang nangyaring final project ng by pair last sem ay nagpasya na ang guro namin na kung sino ang kasama namin doon ay siya na rin ang kasama namin sa thesis.
“Don’t stress yourself, Thon. Mahaba pa maman ang panahon para riyan.” Sagot niya, pero kahit siya rin naman ay walang tigil sa paghahanap ng mga related literature and studies.
“Elthon, busy ka sa Sabado?” Tanong nito sa akin. Agad naman akong napaisip sa tanong nito.
“Bakit, day off ko sa trabaho no’n gawa ng nakipagpalit ang kasamahan ko. Anong meron?” Tanong ko rito.
“Ah… ano kasi, aayain sana kitang lumabas? Kung ayos lang sa’yo.” Saad nito.
“Para saan naman? Birthday mo ba?” Tanong ko rito. Sa pagkakaalam ko kasi ay May pa ang birthday niya kaya imposibleng selebrasyon ‘yon.
“Basta. Sa Sabado na lang. G ka ba?” He asked me. His eyes are pleasing as if there’s something that will happen on the said day.
Agad akong napaisip. Wala rin naman kaming ganap nila Rio at Riza. At tsaka si Zane….
Speaking of that guy. Wala na itong paramdam pa. Ilang linggo na rin ang lumipas mula noong hinatid niya ako sa campus at nagkaroon kami ng deal sa interview ko sa kaniya. Nakalimutan din kasi naming kuhanin ang contacts ng isa’t isa. Pero baka sa mga susunod na araw ay sumulpot na lang siya bigla.
I’ve already decided to accept the deal. Mahal kasi ang TF niya, at ngayon ay lumipat na ako ng apartment, sa labas ng university. Medyo strict na kasi ang policy ng university at na-sample-an ako ng isang beses nang ‘di ako papasukin sa loob noong late na akong umuwi dahil sa trabaho.
I had no choice but to move out and look for a small apartment in which I will be able to live for the rest of my college journey. Noong una pa nga ay pinipilit na ako ni Rio na manirahan muna sa kanila pero dahil hindi kaya ng hiya ko ay tumanggi na ako. I also don’t want and I’m not used to rely on people kaya kahit na maganda ang pagkakataong ‘yon ay agad kong tinanggihan.
“Wala naman akong gagawin niyan,” sagot ko rito. “Pwede ako niyan!” Pagpayag ko rito at tila may kung anong liwanag ang kumislap sa mukha nito sa sobrang galak.
“Ayun! Sige, susunduin na lang kita sa apartment mo.” Saad niya.
Gabi na rin nang mapagdesisyunan naming umuwi na dahil natapos namin ang mga plinano naking gawin para may progress na kahit papaano ang thesis namin. Mabuti nga rin at hindi nagsasara ang library sa campus kaya kahit inabot kami rito ng alas siyete ng gabi ay ayos lang.
“Sakay na, Thon. Ihahatid na kita.” Saad ni Kayzen nang nadaanan ako ng sasakyan nito.
“Gagi, out of the way ang direksyon mo, ‘di ba? Huwag na! Kaya namang i-commute ‘to.” Pagtanggi ko rito.
“Rush hour pa! Dali na. May duty ka pa mamayang alas dyis, ‘di ba?” Tanong nito sa akin. Agad din naman akong napaisip dito. Mukhang matatagalan pa kapag nag-commute ako at dahil nagkusa naman ito ay pumayag na rin ako.
“Kain muna tayo—” agad akong nagulat at muntik nang tumanggi dahil may kinakailangan kong magtipid kaya iniiwasan ko ang paggastos.
“Gagi, nagtitipid ako, Zen…” pagtanggi ko rito ngunit agad naman itong natawa sa inaksyon kong pagtutol sa balak niya.
“Treat ko, don’t worry.” Saad nito sa akin. Kahit pa nahihiya ay hinayaan ko na ito dahil mapilit talaga ang binata at tsaka, siyempre, libre na rin ito at mas mapapatipid ako kung sakali.
YOU ARE READING
Rainbow Behind Stars
Novela Juvenil[BL STORY] | Ongoing They met when they were in junior high school, where friendships sparked. Their bond was undoubtedly one of the strongest, but not until a reason blew up for Keith Elthon to leave their province, his friends, and Zane. It was go...
