Chapter 30

107 8 1
                                        

Buwan ang lumipas, but still the pain lingers on me. I remember how the nights have made it difficult for me to live knowing that the one I was trying to wait to embrace me again soon has already gone forever.

Umalis ang kuya ko nang masaya, at umuwi nang abo na lang. Wala na. Iniwan niya na rin ako.

Sumaglit lang dito sila Ate Alexis noong nakaraang buwan dahil sa pag-aasikaso ng papeles nila. They were planning to live in Italy for good. Balak sana nila akong pasamahin dahil yun daw ang gusto ng kuya ko pero nasa Pilipinas ang pangarap ko. Sa halip, iniabot na lang sa akin ni Ate Alexis ang inipon ni kuyang pera para sana sa pangbayad ko sa pagproseso ng papeles. 

Napabuntong hininga na lang ako habang hawak ang litrato ng kuya ko. He’s still young. Ang bata niya pa sana para mawala rito.

But death is inevitable.

We couldn’t have ways to escape death. Dahil sa huli, iyon ang hantungan natin. 

We will be living happily for a day without knowing that maybe, in the next few days, might possibly be the end of everything.

“K-kuya..” agad na namang tumulo ang luha ko nang maalala ang masasaya at mapapait na ala-ala namin.

“Bantayan mo ako rito, ha?” Agad kong pinunasan ang luha ko na paruloy pa rin sa pagbuhos.

“Kuya, mahirap, eh. Pero wala naman akong magagawa… andyan ka na.” 

“Just visit me always in my dreams, ha? Ikaw lang ang lakas na meron, ako… na nawala na rin.”

Maya-maya pa ay nagdesisyon na akong mag-asikaso dahil may pasok pa ako sa trabaho. For the past few months, I’ve been juggling studies and working only to escape the thoughts that are trying to destroy me.

“Thon, magpahinga ka kaya? Ang laki na ng eyebags mo, eh!” Saad ni Rio nang tumambay sila sa trabaho ko. They’re sitting in one of the chairs installed inside the store. 

“Ayos lang ako, ano ka ba!” Pagsagot ko rito. Pero sa loob ko, pagod na pagod na ako.

I’ve been trying to act as if I still can endure the exhaustion brought by plates on my table, as I try to do them all at once. Pero wala naman akong magagawa, eh.

“Sa isang araw, ha? Magpahinga ka! Para masigurado namin ni Riza, sa bahay ka tutulog! Mag-sleepover ulit tayo.” Saad ni Rio.

“Oo na, mag-ingat kayo pauwi, ha? Salamat sa pagbisita!”

Umalis na rin sila at ako naman ay nagpatuloy na sa pagtatrabaho. I still have a shift until 4:30 A.M. since wala naman akong pasok ngayon sa school.

“Ate, alis na po ako.” Pagpapaalam ko sa kasamahan ko nang matapos na ang shift ko. Bago pa man ako umuwi ay napagdesisyunan kong kumain muna ng almusal sa may karinderya malapit sa amin. 

While walking, I’ve seen so many people waking up, sipping on their cups of coffee.

Pasimula na ang araw nila. Samantalang ako? Patapos pa lang.

Napabuntong hininga na lang ako sa iniisip ko. Pero wala naman akong paraan para takasan ang hamon na ito, eh?

Ayokong bitawan ang pangarap na mayroon ako. Dahil kung gagawin ko ‘yon, ay parang wala na talagang saysay ang buhay ko rito sa mundo.

Agad kong sinimsim ang pares na in-order ko sa karinderya kung saan palagi akong dumideretso bago ako umuwi. 

Bago pa man magsimula ay agad nang tumunog ang sikmura ko. Dahil late na ako sa trabaho kanina, hindi na ako nakapaghanda pa ng pagkain ko.

Rainbow Behind StarsWhere stories live. Discover now