Chapter 35

109 4 1
                                        

Late na ngunit hindi pa rin ako makatulog. I was still waiting for Zane’s message. May tila ginhawa sa pakiramdam ko matapos ang byahe na nangyari sa amin pauwi. I’ve heard enough reasons for me to believe that Zane grew up, but his feelings stayed.

And so do I. Kasi kahit gaano pa katagal ang paghihiwalay namin, the feelings I had for him were instilled in me. Despite the fact that I tried to move on, the feelings were strong enough to stay with me. It proved that no matter how I try to run away from it, I’m always ready to run back at him with my arms wide open.

But I know we shouldn't rush things and this should be taken slowly. Alam ko rin sa sarili ko na kahit may nararamdaman pa ako sa kaniya, ay buo pa rin ang takot ko mula sa mga posibilidad. Hindi madali ang maging miyembro ng komunidad. Dahil sa simpleng paglaladlad, maraming mata ng diskriminasyon ang maaring dumurog sa amin.

Marami pa rin ang hindi pa lubos tanggap ang pagkakaroon ng ganitong estilo ng pag-ibig. Na tila ba kasama sa listahan ng kasalanan ang pagkakaroon ng pakiramdam sa tao na kapareho mo ng kasarian.

But despite that, I’m hoping that someday, acceptance will grow, because with that, equality will be solidified and society will turn to be more peaceful that everyone deserves.

I was cleaning my apartment when my phone beeped. A message from Zane notified kaya dali-dali ko itong dinampot para mag-reply.

Zane:
Hi, Keith! Nakauwi na ako.

Me:
Hi, Zane! Good to know. Pahinga ka na! Thanks ulit.

Zane:
No worries, Keith! By the way, are you free on weekends? Wanna take you somewhere.

Me:
Saturday? Supposedly magsa-sideline ako para sa interview fee, eh.

Zane:
Don’t worry about it, Keith. Hindi ko naman totoohanin ‘yon. But if you already made an agreement sa sideline mo sa Sabado, okay lang. Anong oras ba tapos mo?

Me:
8 PM ata, Zane.

Zane:
Alright.

May photoshoot naman ako sa umaga niyan. I’ll fetch you afterwards. Okay lang ba?

Call ako?

Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla nang nag-ring ang cellphone ko. It was a video call.

Dahil may gagawin akong assignment, sinagot ko ito habang nagsusulat.

I was confused when I heard nothing but silence. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa isinusulat ko sa papel ko.

“Bakit ang tahimik m—” I looked at him and saw how he stared at me intently. Agad  naman akong nailang sa titig nito kahit na hindi kami magkasama sa personal.

“Ayokong manggulo. Ituloy mo na, manonood lang ako rito.” Saad niya.

“Para kang sira. Wala ka bang sched bukas? Bakit hindi ka pa magpahinga?” Tanong ko rito.

“I’m on break. Dapat pala ‘di muna ako umuwi.”

“At saan ka naman matutulog dito?” I asked,

“Para bang hindi tayo magkatabi lagi before—”

“Dati ‘yon! At tsaka ang liit ng apartment ko. Sa laki mong tao, eh.” Saad ko rito.

I noticed that he wasn’t responding to me kaya tumingin ako rito. Mukha itong nag-aayos kaya hinayaan ko na muna.

“Off ko na muna, Keith. May emergency meeting daw kami sa office. Chat mo ‘ko kapag tapos ka na ha?” Saad niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rainbow Behind StarsWhere stories live. Discover now