Chapter 31

95 6 1
                                        

“Rio, may emergency bigla ako..” Pagpapaumanhin ko sa kaibigan.

“Oo na, sige na! Nakatulog na rin kami ni Riza rito. Pero kung pupunta ka mamaya, go lang! Ingat, ha?” Saad nito. Agad di namang natapos ang tawag ko rito.

We were silently walking in a dark street to avoid the media that’s been bothering Zane since earlier. Dahil marami ang nakatunog na nandito si Zane sa paligid, agad nitong pinugaran ng mga tao. 

And since I’m the one who’s with him, I have no choice but to help him hide from them.

“P-pasok ka…” 

Wala na akong nagawa kundi pasamahin pansamantala si Zane sa dorm ko. Dinagsa kasi ng mga tao ang lugar kung saan kumalat na nakita siya. Mabuti na lang din talaga at kakilala ko ang guard ng university namin at napakiusapan ko na mapapasok dito. 

Nang makapasok ito sa loob ay walang ingay na ginawa ang binata. Agad akong nagtungo sa kusina para maghanda ng kape sa aming dalawa. He was just roaming his eyes in my room until he saw Kuya’s urn placed on the table.

“Umalis ka nang madilim pa, ha? Baka maabutan ka ng mga estudyante sa kabila. B-baka makita ka.” Saad ko rito.

Napahingang malalim na lang ito at tumango bago nagtungo sa lamesa at dinampot ang litrato ni kuya.

“K-kailan pa?” Tanong niya patungkol kay Kuya.

“Ilang buwan na rin nakalipas. Cancer.” Pag-iwas ko ng tingin dito.

I don’t want to create a connection between us again. Knowing that everything might possibly be tarnished, including his career, I would have chosen to become distant rather than fixing what happened between us.

“M-mag-isa ka lang dito?” Tanong nito sa akin nang tignan ako nitong muli. 

“Ah.. Oo. Pero kaya naman, dalawang taon na nga la—” Saad ko.

“Keith,” agad nitong pinutol ang ang pagsagot ko. 

“Tungkol sa…”

Agad akong napailing nang makita ang mata nitong tila may gustong ipahatid. Dali-dali akong tumayo at niligpit ang dala niyang mga gamit.

“Ah, ano, alis ka na. Magliliwanag na, maya-maya, may lalabas na ring mga estudyante riyan. Baka mamaya, makita ka pa rito..”

“Keith, please?”

Agad na akong umiling dito. I have no reason to still hold onto him.

Ayokong masira ang career niya dahil sa padalos-dalos nitong desisyon.

“Keith, pwede ba akong bumisita—”

“Hindi. Aalis na rin ako rito, eh. Tsaka baka may makakita pa sa’yo.” Agad kong putol dito.

“Tsaka…” pahabol kong sagot, “huwag na rin sana tayong gumawa pa ng paraan para magkita ulit, Zane.” I said nonchalantly.

“Keith naman…”

Agad ko ‘tong inilingan bilang sagot sa pagtutol niya. Wala na rin maman kasi kaming dahilan para magkita pa muli.

At isa pa, baka ay mabuhay lang ang kinatatakutan ko noon.

He sighed, accepting his defeat. Wala na itong ginawa kundi ang lumakad patungo sa labas ng dorm ko. 

“A-alis na ako. Ingat ka rito.”

Pinanood ko itong maglakad palayo sa dorm ko, bago pa man ito makalabas ng gate ay lumingon ito pabalik. Agad na akong pumasok sa loob ng dorm ko at nagsimula nang gumawa ng kung anu-ano para malibang ang sarili ko.

Rainbow Behind StarsWhere stories live. Discover now