I was having an internal monologue while sitting beside Kayzen. Pauwi na kami mula sa farm nila and I was zoning out due to what happened. Sumabay pa ang traffic sa kalsada na siyang nagbabad sa utak ko kakaisip sa mga sinabi ni Zane sa akin.
“Nakita ko kayo nung artista. Kilala mo siya?” Biglang tanong ni Kayzen sa akin na agad namang pumukaw sa atensyon ko.
“He looked so pissed? Dahil ba ro’n sa nangyari kanina?” Pahabol pa nito.
Agad naman akong umiling dito. Wala rin namang nakakaalam ng nangyari sa aming dalawa bukod sa mga kaibigan namin sa Sorsogon. Hindi ko rin naman para ipagsabi pa dahil baka ‘yon pa ang maging hudyat ng pagkasira niya. Although I trust them so much, I think it would be better if I stay silent about that.
Agad din naman akong naihatid ni Kayzen sa apartment. Tumambad sa akin ang tahimik at madilim kong silid dahilan para mas mag-isip pa ako lalo.
Not gonna lie, I’m still lingering on what we had before. Mahal ko yung tao, eh. Mahal ko pa rin. But the fact that the fear was still holding me back from being fearless amidst the possibilities, it always urged me to hide and disappear. I would take that as a risk. Instead, I’ll choose what’s better for us.
Guilt was eating me up. Hindi pa rin ako makatulog. Bukod sa iniisip ko kung saan ako kukuha ng pangbayad sa interview na mangyayari, patuloy pa rin akong nakokonsenya sa nagawa ko. I didn’t mean to do that, ngunit kung iisipin, may mali pa rin ako.
I was blankly staring at the ceiling of my apartment thinking what happened earlier. Dali-dali akong tumayo at kinuha ang cellphone sa higaan ko at binuksan ang conversation naming dalawa.
Me:
Hello, Zane! Sorry for messaging late at night. I just want to say sorry for what I’ve done to you. Alam kong mali ko ‘yon at pasensya na kung hindi ko napansin yung mga message mo. Pasensya na rin sa abala sa’yo
Tungkol sa interview, siguro maganda na rin na huwag na nating ituloy. Bukod kasi wala pa akong sidelines para mapagkukunan ng pambayad, baka rin maabala pa kita sa trabaho mo.
I’ll just talk to my professor about this para magawan ko ng paraan. Again, I’m so sorry, Zane. Pasensya na rin sa pang-aabala ko sa’yo.
Bago ko pa man patayin ang cellphone ko ay bigla na lang na may nag-notify sa akin na mensahe mula sa messenger app ko. Agad akong nagulat nang makita na kung sino ang nag-chat.
Rylie Bienvenida:
Hello po?
Elthon, Ikaw ba ‘to?
Sorry if hindi, pa-ignore na lang huhuhu
Hindi agad ako nakapag-reply sa mensahe. I was bugging with thoughts about this. I forgot to deactivate my account when I reactivated it to see some updates about Zane.
Dahil wala na akong choice dahil na-seen ko na ito ay dali-dali akong nag-reply.
Thon Villega:
Hello.
Kumusta, Rylie?
Rylie Bienvenida:
SO IKAW NGA?!
FINALLY SHET
Thon Villega:
Paano mo naman nakita ‘tong account ko? Bakit ka rin napa-chat?
Rylie Bienvenida:
Wala, tamang scroll lang. Just so you know, I’m already living here in Manila. Magpakita ka kaya?
Miss na kita, Thon! Kumusta ka?
We’ve been searching for you. According kay Gina, nakita ka raw nila ni Kai kaya sinubukan ko ring hanapin ka.
YOU ARE READING
Rainbow Behind Stars
Teen Fiction[BL STORY] | Ongoing They met when they were in junior high school, where friendships sparked. Their bond was undoubtedly one of the strongest, but not until a reason blew up for Keith Elthon to leave their province, his friends, and Zane. It was go...
