Chapter 33

100 6 1
                                        

Buong araw akong kinulit ni Zane sa text, tumawag pa nga. Pero hindi ko ito kinibo dahil… dahil busy ako.

“Ayan ha! Nakakalamang ka na.” Saad ni Rio sa akin nang ikwento ko sa kanila ang pagyaya ni Kayzen sa akin na kumain sa labas.

“Bakla, lagi akong perfect sa intuition test sa tiktok app kaya maniwala ka sa akin,” agad na hinawakan ni Riza ang mukha ko, “may gusto sa’yo ‘yan!”

Agad ding tumili si Rio sa narinig. Mukha silang siraulo habang nasa loob kami ng milktea shop na tinatambayan namin.

“Sira kayo! Magkaibigan lang kami, at tsaka straight ‘yon.” Saad ko sa mga ‘to.

“Wow, desisyon. Hindi mo alam, huwag kang mag-conclude! Basta Riza, kapag tama, lunch ko for a week ha?” Sambit ni Rio. Agad namang napakunot ang noo ko sa narinig.

“Tangina, pinagpupustahan niyo ba kami?!” Bulyaw ko rito at hindi naman nila itinanggi. Balak pa nga akong isali ni Rio sa pustahan nila ukol sa mangyayari bukas.

“Alam niyo, tama na kayo! Umuwi na tayo at mag-aayos pa ako para sa duty ko.” Pag-aya ko sa mga ito.

Luckily, nabawasan na ang oras ng duty ko ngayon dahil nalaman ng amo kong third year student na ako. Sabi niya ay part-time worker na lang muna raw ako para hindi maging mabigat sa akin ang trabaho. 

Pagkauwi ko sa bahay ay naglinis agad ako ng gamit. May dalawang oras pa naman ako para magpahinga at mag-ayos, malapit lang din naman ang trabaho ko rito.

Agad na naagaw ng phone ko ang atensyon ko nang bigla itong mag-ring. Agad kong sinilip upang tingnan kung sino ang tumawag ngunit agad naman akong napairap nang malamang si Zane ‘yon. He also left a lot of messages earlier pero none of those received a reply.

Zane: 
Good morning!

Otw sa set.

[Sent a photo.]

Tulog ka pa ba?

Tulog ka pa ata.

Pahinga ka!

Zane:
Hey, alas dos na ng tanghali?
Why aren’t you replying?

Keith? Are you still there?

Hey, are you purposely ignoring my chats?

Keith Elthon.

Zane: 

It’s already 4 in the afternoon, Keith.

Wala ka bang balak na mag-reply?

Kumain ka ba?

Tawa nang tawa sa milk tea
shop, reply ayaw? 

Agad na kumunot ang noo ko sa chats nito. Why was he waiting for my chats when in fact, he’s with Marianne? Baka nga ay may namamagitan na sa kanila, eh.

Matapos na mamatay ang tawag ay muling nag-ring ang phone ko. Kaya dali-dali ko itong sinagot.

“Bakit?” I asked in a cold manner.

“Bakit hindi ka nagre-reply? Ang dami kong text sa’yo—” 

“Busy ako buong araw, Zane. Okay na ba?” Mataray kong pagsagot dito.

“Ah, ano kasi… Pero sige.” Saad nito. 

Agad mang namutawi ang katahimikan sa pagitan ng dalawang linya. Tanging paghinga lang nito ang rinig ko.

“Zane, may kailangan ka pa ba—”

“May problema ba tayo, Keith?” Tanong nito sa akin. Kahit hindi ko ito nakikita nang harap-harapan ay parang naaaninag ko ang maamo nitong mukha. Bakas din sa boses nito ang pagiging kabado.

Rainbow Behind StarsWhere stories live. Discover now