CHAPTER 67

8 6 9
                                    

Ara's POV

Nakatingala ako ngayon sa malaking bahay nila Heaven, dinig na dinig ko mula dito ang speaker mukhang birthday party nga. Papasok na sana ako ng harangin ako ng guard.

"Card mo?" Tanong niya, tumaas ang isa kong kilay.

"Card?" Patanong ko ring usal.

"Invitation card."

Ibinigay ko sakanya ang invitation card.

Kinuha niya ang invitation card mula sa akin at maingat na tiningnan. Medyo matagal niya itong sinuri, at naglakad siya patungo sa gate para buksan ito. Sa likod ng gate, tanaw ko ang loob ng bahay ni Heaven — sobrang eleganteng venue, may mga ilaw at dekorasyon na parang sa mga pelikula.

Habang hinihintay ko ang pagbukas ng gate, hindi ko mapigilang mapaisip. Bakit ba ako pumunta dito? Alam kong nandito si Enzo, pero worth it ba talaga ang pagpunta ko? Pakiramdam ko parang nasa maling lugar ako, pero hindi ko rin naman magawang bumalik.

"Pasok na, Miss," saad ng guard sabay turo sa direksyon ng entrance. Tumango ako at pumasok sa loob ng gate, unti-unti akong nakalapit sa masiglang party na puno ng mga kilalang mukha at engrandeng set-up.

Bago pa ako tuluyang makapasok, nakita ko si Heaven sa di kalayuan, nakikipag-usap sa ilang kaibigan niya. Nang makita niya ako, ngumiti siya ng isang peke at malisyosong ngiti. Lumapit siya, at sa sandaling iyon, alam kong may inihanda siyang kung ano para sa akin ngayong gabi.

"Oh, Ara! You made it!" bungad niya, tila sobrang excited pero kita sa mata ang kakaibang intensity.

Ngumiti ako, pilit na sinabayan ang energy niya kahit halata namang iba ang vibe niya. "Yeah, thanks for the invite," sagot ko, kahit may halong pag-aalinlangan ang boses ko.

"Tara, join us inside! I'm sure you’ll love it."

Yumapos siya sa braso ko at inakay ako sa papunta sa mga kaibigan niya, hinanap naman ng mga mata ko si Enzo pero hindi ko siya makita.

Nang makapasok kami sa loob, ramdam ko agad ang tension. Parang lahat ng mata ay nakatingin sa akin, may mga bulungan pa akong naririnig. Si Heaven naman ay mukhang enjoy na enjoy na i-display ako sa harap ng mga kaibigan niya.

"Everyone, this is Ara," pakilala niya sa tono na parang may halong patama. Ngumiti ako kahit alam kong may halong pang-iinsulto ang tingin ng ilan.

Habang nakangiti ako, patuloy ko pa ring hinahanap si Enzo sa paligid. Bakit nga ba siya wala dito? Hindi naman siya ganun ka-hilig sa mga ganitong gatherings, pero sinabi niyang pupunta siya, di ba?

"Looking for someone?" tanong ni Heaven na may matalim na tingin, napansin siguro niya ang panay kong pagsulyap-sulyap. Nakapamewang pa siya, at may isang kilay na nakataas.

"Ha? Ah, wala naman," sagot ko, pilit na ngumiti kahit ramdam ko ang kaba. Alam kong alam niya kung sino ang hinahanap ko, at siguradong ginagawan niya ng paraan para hindi ko agad makita si Enzo.

"Well, just enjoy the party," ngisi niya sabay yakap ulit sa braso ko, akay-akay akong papunta sa mga tables kung saan nandun ang iba pa niyang friends.

Umupo ako sa table habang patuloy na tumitingin-tingin, naghahanap pa rin kay Enzo. Sana naman nandito siya, para mas komportable na ako.

"So Ara this is my besfriend, Kaylie" Itinuro niya ang magandang babae.

Ngumiti ako nang bahagya kay Kaylie, na mukhang interesado sa akin pero may halong pagsusuri ang tingin. Tumango siya bilang bati pero hindi ko maiwasang mapansin ang bahagyang tingin niya kay Heaven na parang naguusap sila nang hindi nagsasalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now