Hindi na ako tumuloy sa pagiimbita sakin ng Auntie nila ng breakfast nung araw na iyon sa bahay nila.
Umalis ako agad dahil may kelangan akong gawin. Hindi ko na nga nakita ang magkapatid eh.
Isang araw pa ang lumipas at wala pa rin akong natanggap na mensahe galing kay Madam Sungit. Pero okay lang, naging busy naman ako eh.
But the day after that which is today, she sent me a message! Well, it's the same one that she always sends me but . . . I don't know . . . It's kinda different this time.
And for the record, it's Sunday!
Weird.
Excited lang siguro kasi makikita ko na ulit yung dalawa.
I'm on my way to their house. Halos paliparin ko na ang bike sa bilis nito.
Agad kong itinabi ang bike sa usual kong nilalagyan nito.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Excited, I guess.
I was all smiles the moment I stepped my foot inside their house, my eyes wander off around.
But the smiled instantly fell off as I saw someone I would never wish to see.
Nasa sala sila at seryosong naguusap. Isang babae na likod palang kilala ko na. Her back is facing me while the guy can clearly see me standing near the door while looking at them.
Nakaramdam ata ang lalaki ng mag-angat ito ng tingin. He stared back as I did the same.
Sinubukan ng babae na kunin ang atensyon nito pero hindi siya pinansin. Lumingon nalang din ito.
There, I saw her usual irritated face.
Nakaramdam ako ng pagbangga sa likod ko at may biglang yumakap sakin. Nakarinig ako ng mahinang tawa.
Matik na napasmile ako.
Dahan dahan kong tinanggal ang braso nito sa bewang ko. Umikot ako at hinarap ito.
Tumambad sakin ang isang batang babae na hanggang dibdib ko ang taas.
Muli niya akong niyakap. Natawa ako.
Kumalas ito at tumingala. "Tara na! Kanina ka pa namin hinihintay!" sabay hatak sakin.
Nakarating kami sa indoor court nila. Yes, meron po sila. Nakakapagtaka kasi wala namang lalaki sa bahay nila. Siguro marunong magbasketball si Madam Sungit.
"Hi!" sumulpot pa ang isang batang babae. Nakangiti ito.
"Hello." bati ko.
Sa mahigit dalawang linggo na pagkikita namin ng mga batang 'to, naging malapit na ako sa kanila at tingin ko ganun din naman sila sakin. Sabik din kasi ako san kapatid, nagiisa eh. Sila naman, masyadong busy ang ate nila sa anong mang bagay iyon.
Sa mga panahon din yun, nakilala ko pa sila. Si Emmie ang malambing, masayahin. Ang hyper palagi. Yung pagiging laitera niya, nasasanay na ako. Minsan nga natatawa na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. Si Eden naman tahimik, snob, mas mature kay Emmie.
Si Ella? Forever masungit.
Natutuwa nga ako kasi ngumingiti na sakin si Eden. Yung ate kaya nila kelan ko mapapangiti? Asa pa ako dun.

BINABASA MO ANG
Run, Princess! Run!
Teen FictionThis is the story of how I found my not so Damsel in distress.