12 meters

10.7K 357 14
                                    



Katatapos lang long quiz namin. Half day ulit kami ngayon tulad kahapon tapos simulas bukas hanggang friday ay exam na namin.



Nagpatawag si coach ng meeting kaya eto ako ngayon at tinatahak ang daan papuntang gym.



Nakarating ako doon at sinalubong ng napakabigat na braso ni Benj na ipinatong niya sa balikat ko.



"Uyyy! Musta?" sabi niya.



"Makakamusta ka parang hindi tayo nagkikita araw araw." saad ko habang tinatanggal ang braso niya "Aish alis mo! Ambigat bigat eh!" hindi niya ako pinansin.



"Pero pagkatapos ng training, nawawala ka na ulit. Hindi ka na namin mahagilap!" usal ni Jay.



Nakalapit na pala ito sa pwesto namin. Kasama niya si Henry at Zeke.



"Ah wala. Busy lang."



"Uyy chix yan no?" - Zeke



Umikot ang mata ko "Tigilan mo ko!"



"We heard what happened yesterday . . . " nalipat ang tingin ko kay Ryan na palapit samin ngayon kasama sina Dexter at Adam.



"H-ha? ahh wa------"



"AGUSTIN!!!!" dumagundong ang boses na iyong sa buong gym.



Napaikot kami paharap sa entrance at doon nakita namin ang galit ba mukha ni Romero na papunta sa direksiyon namin. May mga kasama siya na sa tantsa ko ay teammates niya.



Automatic na pinaligiran ako nina Adam.



Nakatitig lang sakin ang nanlilisik na mata ni Romero.



Tumigil siya sa tapat ko. Nahaharangan naman ako ni Zeke at Ryan.



"Ano ba talaga ang gusto mong palabasin?!" asik niya.



"Saglit lang, baka pwede natin munang pagusapan 'to. Hindi kelangan magsigawan." mahinahon na pahayag ni Rye.

Run, Princess! Run! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon