Itinigil ko ang kotse sa tapat ng pamilyar na hotel.
The Skycraper.
Iginaya ko sa loob sina Nanay at Tatay.
Dito kasi kami magpapasko since hindi pa tapos ang bahay namin sa probinsya.
It's already the second week of December. Ilang tulog nalang ay pasko na.
"Princess, bakit ba dito pa kami manunuluyan? hindi ba pwede sa bahay mo?" - Nanay.
"Eh Nay, hindi tayo kasya doon tapos magulo pa dahil sa trabaho ko. Dito mas maluwag, mas makakarelax kayo."
"Hindi ba mahal dito? Ang ganda eh." - Tatay
"Tay, wag niyo nang alalahanin yun dahil ako na ang bahala saka binigyan po ako malaking discount ng may-ari mismo."
Nagpunta ako sa front office para magcheck-in.
"Nay at Tay tara na."
Nakarating kami sa 5th floor kung saan ang kwarto nila. Room 2501.
Tinulungan ko silang mag-ayos ng mga gamit nila tapos ay nagpaalam na rin ako.
May lakad pa kami ng barkada mamayang gabi.
Malakas na tugtog ang nagwelcome samin tatlo pag pasok namin ng bar ni Adam.
Ako, Z and Faye were here to celebrate. Dumating na si Benj, Dexter, Jay at Henry mula sa iba't ibang bansa.
"Ayun sila oh!" turo ni Faye.
I can see na kami nalang pala ang kulang.
Pumunta kami kung nasaan sila.
"Guys!" si Benj "Z! musta ang pambababae? Faye! may boyfriend ka na ba? Cess! nakamove on ka na?" kahit kelan ang hyper ng isang 'to.
Binatukan siya ni Ryan "Ikaw ba nangangamusta o nang-iinis?"
"Um both? hahahaha." lumapit siya samin at inakap kami "Pero seryoso namiss ko kayo."
The three did the same with asking how we have been.
"Babe, si Kate? Did you invite her?" - Olivia
"I did pero may mga gagawin daw siya eh. Babawi nalang daw siya next time."
Kate and I have been good after our talk. Pero humingi siya sakin ng pabor na kung pwede na hindi na muna kami magkasama. I mean, she ask for space from me. Para daw hindi na siya mahirapan na makamove on.
Nakakamiss but I need to endure. This is for the best. She needs this and I understand that.
Nagkulitan lang kami dito sa isang sulok parang nung dati lang. Then, nagkayayaan na sumayaw.
I'm not fond of dancing and so as it is for me. Hinayaan ko nalang sila ang gumawa noon. Natira ako sa mesa namin so I decided to stay at the bar instead.
I smiled at the bartender as he gave my usual. Then, a girl came probably a few years younger than me. She wore a blue dress that compliments her fair complexion. But what I like the most is her red hair that were long passed her shoulder.
Hmm not bad.
She ordered a drink and I can't help but to conclude that she is not really into drinking.
"Long island ice tea please." she ordered.
"You sure about that?"
She looked at me then to her sides "Are you talking to me?"
BINABASA MO ANG
Run, Princess! Run!
Teen FictionThis is the story of how I found my not so Damsel in distress.