Race 1 - 1 meter

33.9K 500 15
                                    

Start: May 25, 2015

Finish: March 12, 2016

~~~~~~~~~~~

"Hoy Cess! Ano ba?! Bilisan mo nga dyan! Ang bagal mo eh!" bagot na sabi ng kaibigan ko sa akin na nakaharang sa pinto. Halos baliktarin ko na ang kwarto ko, "Saglit lang naman! Hinahanap ko pa yung sapatos ko." patuloy ako sa paghahanap nung extra ko pang rubber shoes.

"Ha? Eh ayan oh!" turo niya sa ilalim ng kama ko. Nagtaka man ay sinunod ko ang aking tingin kung saan siya nakaturo.

It was a Red Nike running shoes.

Nagpatuloy ako sa paghahanap, "Sira! Alam mo naman na hindi ko ginagamit yan sa training." Nagawi ang paningin ko sa isang box sa sulok ng kwarto, "Eto na!" mabilis kong kinuha ang isang lumang sapatos at isinuot.

"Andami mong arte!" Nayayamot nitong pahayag. "Parepareho lang naman na sapatos yan! Pag talaga tayo nalate, patay ka sakin!" banta ng kaibigan ko. Matapos ang pagsusuot ay kinuha ko ang jacket ko at lumapit sa kanya. "Tayo? Hindi pa ako nahuhuli." tinulak ko siya papasok ng kwarto ko. 

Nawalan siya ng  balanse at natumba, "Lagot ka kay coach! Extra 10 laps kapag nalate." at kumaripas ako ng takbo. "Princess!!! Yari ka sakin pag naabutan kita!" sigaw niya mula sa kwarto ko.

Napailing ako. That will never happen.

Napapikit ako habang humahaplos sa balat ko ang malamig na hangin. Ang sarap talaga sa pakiramdam tumakbo sa madaling araw. It was refreshing and relaxing at the same time.

I'm on my way on our daily training that starts at 5am. I am a track and field runner. Hindi naman sa nagmamayabang pero ako ang top runner sa team namin. Nakapaguwi na rin ako ng ilang medalya galing sa iba't - ibang kompetisyon sa labas ng school. I've been running since I was in first grade up until now. Nakapasok ako sa dream school ko dahil sa pagtakbo.

Our training is usually 2 hours in the morning and 3 hours in the afternoon. After the morning training, we still have an hour to spare before our first class.

"Guys! Tara kain nalang tayo sa labas!" it was Ryan, our team captain. For your information, we are a small team that consists of 7 boys and 1 girl which is me. That being the case, we share one shower room.

"Sige!" sang-ayon naman silang lahat sa paanyaya ni Ryan. "Pass muna ako! Medyo tipid ako ngayon eh saka malamang pag-uwi ko sa dorm may pagkain na." sabi ko habang palabas kami ng shower room.

Nakahiwalay ako ng dorm sa kanila at kasama ko ang girls volleyball team. Karamihan sa kanila ay tropa namin ni Adam kaya pwede siyang pumasok doon kagay ng eksena kaninang umaga. 

"Tsk tsk . . " lumapit si Zeke sakin at inakbayan ako, "Ang swerte mo. Akalain mo yun? Napapalibutan ka ng mga chix!" Siya ay may pagkababaero sa grupo. 

"Dapat ipakilala mo naman kami sa kanila!" segunda ni Henry.

"Oo nga! Kamusta naman sila ha?" tumataas baba ang kilay ni Benj. Pasensya na at may pagkamanyak ang dating. Wag kayong mag-alala, mababait naman ang mga yan. Hindi nga lang halata.

Inalis ko ang pagkakaakbay sakin ni Zeke at hinarap silang pito, "Guys paalala lang no? ang babae ginagalang, minamahal at nirerespeto. Wag niyo silang tatawaging 'chix' parang nakakabastos kasi eh." dinaanan ko ng tingin si Zeke. "Wag na wag niyo silang titingnan ng manyak tulad ng kay Benj, hindi tama yun. Kung gusto niyo silang makilala, magpakilala kayo. Wag kayong umasa sa iba." dagdag ko pa.

"Tayo tayo lang naman eh." hirit ni Adam.

"Kahit na. Pano kung may makarinig? Sa ginagawa niyo, nagiging masama ang tingin sa inyo ng mga babae. Hindi tama." sabi ko pa.

"Eh anong dapat gawin namin?" tanong ni Jay. 

Ako at si Adam ang seniors sa kanila. Most of the time, kami ang nilalapitan nila for advices and such. "Respect them, not because of their gender but because they deserve it. Of course, be yourself!" 

"Uubra ba yun?" tanong pa ni Dexter.

I smiled at him, "You'll never know until you've tried it. Besides, wala ka bang tiwala sa sarili mo?"

"Meron naman."  Dexter answered.

"Eh anong ikinakatakot mo? Kung mabasted naman, tanggapin natin yun. Wala tayong magagawa, hindi tayo gusto eh." They were all looking at me after I said that.

"Hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sayo." bigla sulpot ni Coach Ren. "Mapababae o lalaki man, ang benta mo!" Hindi naman lihim dito sa school ang gender preference ko. Maraming nakakaintindi pero may ilan pa rin na parang krimen kung ituring ang same sex relationship.

"Kung naging babae nga lang 'to Coach baka niligawan ko na." pagmamayabang pa ni Zeke.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Kaibigan ko siya pero minsan, hindi ko na rin talaga alam. "Zeke, babae ako at kahit ano pang gender ang magustuhan ko. BABAE pa rin ako." paliwanag ko.

At swerte din talaga ako dahil tanggap nila ako at kahit minsan *ehem* lamang ako sa kanila sa mga ganitong aspeto, hindi sila napipikon kasi natalo sila ng isang babae. Ang lakas nga mang-asar ng mga 'to eh.

"At kahit pa maging babae ako, hindi ako papatol sayo . . " I flipped my long hair. "Excuse me, may taste ako no!" pabiro kong sabi. Actually, gwapo naman 'tong si Zeke. Habulin 'to kaya malakas ang tiwala sa sarili. Kaso minsan, nauunahan siya ng yabang. Some girls dig that though.

"Psh! Eh pano ang mga gusto mo yung tipo ni Romero!" sabi ni Adam at nagtawanan sila.

Napasimangot ako. Alam na alam niya na ayaw ko sa taong yun. Porket 3 consecutive years ng champion sa Men's Division ang team nila sa larong volleyball, kung magyabang, akala mo siya lang ang nakapagpanalo sa team niya.

"Tama na ang mga kalokohan na yan. Mamaya magkapikunan pa kayo. Lumakad na kayo at baka malate kayo sa klase." pagtataboy samin ni Coach.

Humiwalay na ako ng daan since magkaibang way kami. Pagdating ko sa dorm, nag-ayos agad ako ng mga gamit ko para sa klase.

"Uy papasok ka na?" si Faye, roommate ko and yes, she's a volleyball player. Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. "Yeah. Sabay na tayo?" Ngumiti din siya at tumango. "Okay." tinapos ko ang pagaayos ng gamit ko. "Tara na?" aya ko. Nauna siyang lumabas at sumunod ako.

"Captain, una na kami!" sumigaw lang nito dahil magkatabi lang kami ng room.

"Sige! Cess, ingatan mo yan ah?" sagot ng kapitana nila.

Sumaludo ako, "Oo naman, Captain!"

"Ge ingat!" she dismissed.

Lumabas na kami sa dorm at tinahak ang tuwid na daan.

Run, Princess! Run! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon