Dahan dahan kong iminulat ang aking mata. Bahagya akong nagulat ng matunghayan ko si Ella na nakatingin lang din sakin.
"K-kanina ka pa dyan?"
"Not really. Why did you slept there?"
"H-ha? a-ano . . . baka kasi ayaw mo ng may katabi."
"When did I ever say that to you?"
"You didn't. I just assumed."
Napailing siya "Tsk tsk." tumayo ito at naupo sa kama. Saka ko lang naalala ang nangyari kagabi.
Agad akong lumapit sa tabi niya. "Okay lang ba pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo? ulo? katawan? o baka may sipon ka?"
She chuckled "Relax, I'm totally fine."
Nakahinga ako ng maluwag. I don't want her to get sick especially I'm the one to blame.
"Sorry about last night. I didn't mean to get you sick or something. I just thought that it would be a great oppurtunity to swim."
"No need to be sorry. I didn't get sick naman. Nabigla lang siguro ang katawan ko sa lamig kaya ganun."
"Salamat naman kung ganun. Ayokong magkasakit ka."
Nagkameron ako ng pagkakataong pagmasdan siya. Hanggang ngayon ay suot niya pa rin ang tshirt ko. Bagay sa kanya. Ugh kahit ano naman atang suotin niya, bagay.
Ako lang ang hindi.
BOOM PANES!
"Um kain na tayo ng breakfast?" tanong niya.
"Sure sure! Magbibihis lang ako."
"Sige." tumayo siya at naglakad patungo sa pinto.
"Teka, where are you going?" I asked.
"Sa room ko at magbibihis?"
"Ah yeah yeah sige. Um s-sabay na tayo pagbaba?"
"Sure!" ngumiti siya bago tuluyang lumabas ng pinto.
"Yes!" ewan pero parang buhay na buhay ang dugo ko ngayon. Mukhang magiging maganda ang araw ko.
Tulad ng napag-usapan ay sabay kami. Tahimik lang kaming naglalakad sa tabi ng isa't-isa pero ang komportable sa pakiramdam. Pagpasok namin sa restaurant ay sinalubong na kami ng pinakahuling tao na gusto kong makita ngayong araw.
"Uyy! Buti bumaba na kayo, susunduin ko na sana kayo eh. Good morning babe! Tara kain na tayo." hinila niya na agad ito palayo.
BINABASA MO ANG
Run, Princess! Run!
Teen FictionThis is the story of how I found my not so Damsel in distress.