Warning: Laaame chapter.
Last night was one hell of a night. The best.
It felt like a roller coaster ride. One minute, I was sad then another minute, It's just WOW. Words are not enough to describe how happy I am.
It was a dream come true.
Sobrang sarap ng feeling guys, as in.
Yung kahit anong mangyari, wala makakapigil sa sayang nararamdaman mo. Kahit na may masamang mangyari, you'll still see the brighter side of life. Walang makakatibag.
"Ang laki ng ngiti ah?"
Umikot ako para makita ang nagsalita.
"Hi Nanay!" lumapit ako at yumakap.
"Ang ganda ng anak ko. Excited ka na bang magtapos?"
"Opo pero nalulungkot din dahil aalis na kami dito."
Tumaas ang kilay nito "Nalulungkot ka pa ng lagay na yan?"
"Hahaha Nay, syempre naman po mas nangingibabaw ang saya."
"Asus! Oo nga pala, kamusta naman si Ella?"
Dug. Dug. Dug.
Kinikilig ako at hindi ko alam kung bakit hahahaha.
"O-okay naman po siya. Siya nga po pala ang valedictorian namin."
"Talaga? Ang talino naman pala niya. Kakain tayo sa labas mamaya kaya ayain mo siya. Nakakamiss ding kausap ang batang yun."
Napakamot ako sa ulo "Eh Nay baka po may celebration din sa kanila at hindi makasama."
"Sandali lang naman iyon. Basta ayain mo siya!"
"Opo."
Biglang dumating si Tatay "Tapos ka na ba kayo dyan? Tara na siguro doon at baka mahuli tayo."
"Sige po."
Tumingin pa ako saglit sa salamin bago umalis. Wala nang make up make up, ang ganda ko na kaya chos! hahahaha
Pagdating namin sa auditorium ay agad hinanap ng mata ko si Madam Sungit.
Kinakabahan ako. Ano bang dapat kung gawin kapag nakita ko siya?
"Baka naman mabali ang leeg mo niyan?" bulong sakin.
"Tay naman."
"Hahaha hinay lang kasi, makikita mo din siya."
Wala na, nang-asar na yung tatay ko :3
Itinuro ko sa parents ko kung saan ang pwesto saka ako nagpaalam para naman lapitan ang mga kaibigan ko.
"Guys!!!" sigaw ko sabay kaway.
Tumakbo ako papunta sa kanila.
"Princess!" lahat ng teammates ko ay niyakap ako maliban kay Adam.
"Congrats!" sabay sabay nilang bati.
"Asan parents mo?" - si Olivia
"Ayun oh" turo ko "Mamaya ipapakilala ko kayo."
"Guys, may kainan mamaya sa bahay ah? Punta kayo." - Faye
"Oo naman yes! Kami pa ba?!" - Zeke
"Aww pass mo na ako ha? Bonding kami nila Tatay. Alam mo na matagal tagal ko din silang hindi nakasama."
"Eh teka san sila uuwi?" - Olivia
"Sa dorm. Nakapagpaalam naman ako sa management."
"I have a better idea. Let's have a sleep over. Tayong lahat. What do you say?" - Adam
BINABASA MO ANG
Run, Princess! Run!
Teen FictionThis is the story of how I found my not so Damsel in distress.