9 meters

9.9K 347 11
                                    



"Manang! Apat na lugaw with itlog ha? Salamat!" sigaw ko kay Manang tindera.



Kumuha kami ng mesa at dun umupo.



Andito kami sa tapsihan malapit sa school. Nagkayayaan. Wala naman daw kasi kaming gagawin.



Yes, wala akong gagawin ngayon. Actually magtatatlong araw na.



Pangatlong araw na ngayon mula ng wala akong matanggap na mensahe mula kay Madam Sungit. Mula nung ninakawan ko siya ng halik sa pisngi.



Akala ko nagalit siya sa ginawa ko kaya pinalipas ko muna ang isang araw.



But my worries faded as I got to know the real reason the next morning.



Umalis pala sila. Hindi ko alam kung saan pero mawawala daw sila ng ilang araw.



Nakakabadtrip. I was worried! Hindi man lang nagtext na. "Uy may dayoff ka ng 3days" or "Uy aalis kami, wag mo akong mamimiss." Ni blank message wala. Nganga tuloy ako.



"Babe!"



Tawag pansin sakin ni Olivia. Saka ko lang napansin na andito na pala ang inorder namin.



"Oh?" saad ko ng hindi tumitingin sa kanya. Busy ako sa paglalagay ng condiments dito sa lugaw ko. Namiss ko to!



"May pinagkakaabalahan ka ata nitong mga nakaraan. Hindi na kita nakikita after mg training niyo."



Napaangat ako ng tingin sa tanong niya.



"Ako din nagtataka. Napapadalas ang paguwi mo ng gabi." singit ni Faye.



Nalipat ang tingin ko sa katabi ko. Si Adam na kasalukuyang lumalamon.



"Ah part time job lang. Sayang din yung extra income." sumubo ako ng lugaw.



Hindi naman na siguro kelangan na malaman nila. Saka totoo na part time yun, wala nga lang sweldo.



"Kaya mo ba? Student-athlete ka na tapos may work ka pa pala." pagaalala ni Faye.



Ngumiti ako. "Syempre! Ako pa ba?!"



Sumubo ako. Hmm sarap! The best talaga ang lugaw ni Manang!



"Guys, malapit na nga pala ang intramurals no? Olivia, icheer mo kami ha? Wag puro itong Babe mo!" saad ni Adam.



Namention ko ba na cheerleader si Olivia?



"Syempre naman!"



"Kahit kalaban namin section mo?" tanong ko.



"Sila muna baka kuyugin ako ng mga yun pag hindi."



"Salamat Manang!" paalam ko matapos naming kumain.



"So where to?" tanong ni Adam pagkatapos namin kumain.



"Dun!" naplingon kami sa tinuro ni Faye.



Hilera lang naman ng street foods ang tinutukoy niya. Mukhang mapapalaban kami nito.



Inisa-isa namin ang mga stalls. Wala kaming pinalampas. Bawat stalls, may binibili, may nginunguya. Ang ending bundat kami sa halagang 30pesos.



"Saglit guys! Pahinga muna! Mahirap maglakad." reklamo ni Faye.



Tumambay muna kami dun sa bench sa gilid.



Run, Princess! Run! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon