4 meters

11.7K 368 56
                                    



I was literally dragging my feet down to class.



Math class to be exact.



Nakakatamad pumasok. Ayoko ng math at ayaw din niya sakin. Nalulugaw ang utak ko sa kanya.



Ang dali dali naman niyan nung gradeschool pero nung nakisali ang letters, naglabolabo na sila. Booset!



I took the seat between Adam and Faye upon arriving at our room.



Nagsulat lang si Sir ng mga equation sa board.



"Okay. Alam kong walang may balak magvolunteer para sagutan ang mga ito kaya one half sheet of paper please."



Nakahinga naman kami ng maluwag dun.



"You know what to do." saad ko kay Adam. Ngumiti ito saka tumayo at umalis.



"Uy pakopya naman." wika ko kay Faye.



Tinakpan naman niya ito. "Ayoko nga."



Ngumuso ako. "Ang damot mo naman."



"Bakit kasi hindi ka gumawa ng sarili mo? Hindi yung nagiintay ka ng makokopyahan." litanya niya.



"Sinubukan ko. Lagi naman eh kaso hindi ata talaga kami meant to be. Ipagawa mo na sakin ang lahat, wag lang ang Math. Suko ako diyan eh."



"Eto na!" lahad sakin ng papel ni Adam na may sagot na.



Naawa ako sa papel. Gusot na. Malamang sa malamang eto yung original copy tapos kung sino yung huling nangopya, siya pa yung malinis tingnan.



Nagsimula na kaming magsagot. Matapos ang higit 30minutes ay ipinasa na namin ang mga papel. Sukat doon ay nagpaalam na si Sir.



Kaya mahal namin yang si Sir eh. Ramdam niya ang paghihirap namin na mga estudyante niya. Pinapayagan niya kaming magkopyahan tapos ang aga pang kaming palabasin. Actually, magaling magturo si Sir. As much as possible ginagawa niyang magaan ang mga bagay bagay. Chill lang ba? Pero may natututunan.



Sana lahat katulad niya.



Naglalakad kaming tatlo papuntang canteen. Hindi pa lunch break. Sadyang nagugutom na agad kami.



"Yo guys!" nakita namin ang isang Zeke na palapit.



"Hi Faye!" pacute niyang bati.



At since mabait ang isang 'to, babati din siya. Itong namang isang, ang lapad ng ngiti.



I rolled my eyes. "Anong kelangan mo Zeke?"



"Ah yeah that. May training daw mamaya sabi ni Coach."



"Ah okay sige. Makakaalis ka na." saad ko.



"Ang sama mo talaga sakin." paawa ni Zeke.



I just gave him a blank look.



Itinaas niya ang dalawang braso parang sumusuko. "Fine, I'll go ahead na. Bye Faye!"



Gumanti lang ng ngiti ang huli.



"Pacute din ang isang yun tsk tsk." sabi pa ni Adam.



"Sinabi mo pa." sang ayon ko.



Run, Princess! Run! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon