13Miles

13.1K 313 14
                                        



Slow music is playing inside Z's car. Ewan ko ba dito, nakita ko nalang sa bahay ko at sinabi na sabay na daw kaming pumunta sa site.

Pabor naman sakin dahil inaantok ako. Nakakatamad magdrive.

I can help but to yawn. Sobrang nakakaantok ang araw na ito at idagdag pa ang music background.

Hindi ko namalayan ang unti-unting pagbagsak ng talukap ng mga mata ko.

I drifted off to sleep.

"Hey wake up." may yumuyugyog sakin.

I slowly opened my eyes only to see Z.

Bumangon ako "Matagal ba ako nakatulog?" nagpupungas pa ako ng mata ng mapansin ko ang paligid.

What the?

"Where are we?"

Ngumiti ito "Naaah mamaya na ang tanong. Tara." hinila niya ako palabas ng sasakyan.

Dirediresto kami papasok sa isang hotel. Parang pamilyar??

Tumigil kami sa lobby.

I saw all my friends smiling at me kasama pa sina Eden at Emmy with them is a guy.

Sabay sabay silang lumapit "Happy Birthday!" at bumeso isa isa.

Humarap ako kay Z.

"Oh napagutusan lang ako dito!" tanggi niya.

"Really huh?" binatukan ko siya "Alam mong hindi ako ngasecelebrate ng birthday tapos dito pa talaga? Paano yung trabaho natin ha?"

Ever since bata ako, never akong nagcelebrate ng birthday. Gastos lang kasi hanggang sa nasanay na ako. Ngayon naman, ayoko kasi feeling ko abala pa kung gagawa ng party or something. Sapat na sakin ang pagbati.

He chuckled "Yup and ayokong suwayan siya no. Tungkol naman sa trabaho, wag ka nang mag-alala, ayan yung boss natin oh!" nguso niya sa likod ko.

I turned around and saw her approaching me.

"Why are you here?"

"Why would I not be here? Ako kaya ang nakaisip na dito tayo magcelebrate ng birthday mo."

"So you're the one behind all of this?"

"Hmm."

Nang hindi ako nakarespond ay mas lumapit pa siya at niyakap ako. Ramdam ko ang pagdaloy ng mumunting kuryente sa katawan ko ng bumulong siya "Happy Birthday."

"Ehem."

Doon umeksena si Kenneth. Wala siya kanina malamang magkasama sila.

Kumalas siya sa yakap.

"Happy birthday Princess." Kenneth said.

"Salamat."

Andun na eh kikiligin na sana ako kaso may mga panira talaga.

"Happy birthday Ate!" lapit sakin nina Eden. Niyakap ko sila "Salamat."

"H-Hello po! I'm Tyler, s-suitor po ni Eden and happy birthday po."

Biglang tumaas ang kilay ko at nabaling ang atensyon kay Eden na ngayon namumula.

"Manliligaw mo?"

Tumango ito "Last month lang naman siya nagumpisa."

Pinasadahan ko ng tingin ang binata mula ulo hanggang paa."

"Ate mabait yan!" bulong sakin ni Emmy na may kasama pang thumbs up.

Run, Princess! Run! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon