14 meter

10.9K 329 39
                                    



Intramurals.



Walong teams lang nagpaparticipate ngayong taon. Ito ay ang basketball, track and field, volleyball, tennis, badminton, archery, football at swimming team.



At sa unang araw ng intrams, naglalaro kami ng badminton. Kalaban namin ang basketball team girls.



Kasali ako sa doubles at isa sa mga recruit namin ay sa singles. Actually, ayoko nito. Nalilito kasi ako sa scoring kaso no choice dahil ang natitirang sampung babae sa team namin ay hindi marunong.



13 girls at 15 boys lang ang sumatotal ng grupo namin. Habang ang ibang team ay binubuo ng 40-50+ students lalo na ang volleyball team. And yes kami ang pinakakonti.



Pero hindi lang naman yun ang problema. Wala pa akong matinong tulog mula pa kagabi. Hindi ko alam kung dahil ba excited ako or dahil ba sa note na yun!



Crazy right? how a single note and just four words can ruin your mood? It didn't even let me sleep! Cruel right? Yeah just like the one who sent me that.



"Cess okay ka lang ba?" tanong ni Coach. Katatapos lang ng first round at fortunately nakuha namin yun.



"Opo Coach."



"Sige pahinga ka lang. Maya maya magsisimula na ang round 2."



Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Si Trina, yung partner ko.



"Nice game!" ngumiti lang ako sa tinuran niya.



Ngunit unti unti iyon nawala ng may mahagip ang mata ko sa di kalayuan.



Kung kanina parang nanghihina ako, ngayon nawalan na ako ng ganang maglaro.



I wanted to talk to her the moment I enter our school. Ndi ko alam kubg anong sasabihin ko basta I want to see her. Pero ndi ko siya makita. Yun pala she's with him at kung hindi ako magkakamali, malamang ay sa team din ng nobyo ito sumali.



2nd round started and I don't feel like standing up. I don't even want to move an inch but I don't have a choice.



The game ended in 3 rounds. They stole the 2nd round from us.

Run, Princess! Run! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon