Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Hmm. . . 10minutes nalang. I am patiently waiting outside of our classroom for her.
Kung tutuusin, wala naman siyang sinabi na eksaktong gagawin ko basta sundin ko lang lahat ng iuutos niya. So bale maghihintay lang ako kung kelan niya ako uutusan.
Sa madaling salita, ang ginagawang kong paghihintay sa kanya ngayon ay isang 'extra work'. Pabibo ba? para makaalis na agad ako sa 'kasunduang' ito.
Madalas siyang dumating kapag magsisimula na ang klase. Muli akong tumingin sa phone ko.
3minutes.
Saktong pag-angat ng tingin ko ay natanaw ko siya sa dulong bahagi nitong hallway.
Malayo palang, hindi mo na maikakaila ang taglay niyang ganda. Idagdag mo pa ang naguumapaw na confidence niya kaya ndi ko masisisi ang mga paghanga sa mata ng mga tao tuwing napapadaan ito.
Mautak lang ang isang ito dahil pumapasok siya kapag wala na halos na estudyanteng gumagala.
Napaayos ako tindig at ngumiti ng matamis. Malapit na siya.
"Good morning!" masiglang bati ko.
Kroo kroo ~~
Unti unting nawala ang ngiti ko ng wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya. Ang masaklap pa, nilampasan niya lang ako! Dineadma! Inisnob!
Parang hangin lang na nilampasan niya!
"Ms. Agustin, bakit andito ka pa sa labas?"
Napakamot ako sa ulo "Ah eh wala po."
"Sige pumasok ka na sa loob at magsisimula na tayo."
Tumango ako naglakad papasok. Nadako ang tingin ko sa babaeng nakadungaw na naman sa labas ng bintana. Parang walang ginawang kalampastanganan kanina!
Umupo sa pagitan ng dalawa kong kaibigan at nagsimula na ang klase.
Mabilis na lumipas ang maghapon ko. Katatapos lang ng training at kasalukuyang binabaybay ko ang daan papunta sa bahay nila sakay nitong bisekleta.
Naglakbay din ang isip ko sa mga nangyari ngayong araw. At hindi ko mapigilang hindi mainis kapag naaalala ko ang ginagawa ng babaeng yun!
Pinahiya niya ako!
Alam mo yung todo ngiti ka sa kanya tapos siya hindi ka pinansin? Parang hindi niya ako kilala, or worst hindi niya ako nakita! Sa tangkad kong 'to? Ugh! Nasasayang ang maganda kong ngiti sa kanya! Nakakainis kasi ilang beses iyon nangyari sa harap pa ng maraming tao! Nagmukha tuloy akong ewan!
Tapos kanina, ang lakas niya pang utusan ako na pumunta sa bahay nila matapos ang isang araw na pagdededma niya sakin?! Kung wala lang akong kelangan sa kanya . . . naku!!
Itinabi ko sa may pader ang bike pagkarating ko. Ndi naman siguro mawawala yan dito? Lalapit palang ako sa intercom ng biglang bumukas ang gate. Napatingin ako sa paligid.
Ahh . . . CCTV.
Nagpatuloy ako sa loob. Napadaan ako sa garden at may nakita akong batang naglalaro. Si Eden ata. Lumapit ako.
"Hi! Anong nilalaro mo?"
Kroo kroo ~~~
May pinagmanahan! Batang isnabera!
BINABASA MO ANG
Run, Princess! Run!
Teen FictionThis is the story of how I found my not so Damsel in distress.
