Matapos ang klase namin kay Ma'am Bugnutin ay tinawag ko si Adam, "Uy Adam! Samahan mo ako sa library!" untag ko sa lalaki.
Lumingon ito sakin mula sa pag-aayos ng gamit niya, "Anong gagawin natin dun? Nanggaling ka na dun ah?" nagtataka pa nitong tanong. Napabuntong hininga ako, ang dami pa kasing tanong. Hindi nalang sumama.
"Nakalimutan kong humiram ng libro para sa report ko mamaya tapos kelangan ko pang isulat sa manila paper yun!" hinatak ko na siya habang nagpapaliwanag dahil sa wala na akong oras.
"Ang bilis mo namang makalimot! Uminom ka ng memo plus gold ha?" pagpapaalala nito sakin.
"Aish Oo na! Bilisan mo nga maglakad!" patuloy ko siyang hinatak hanggang makarating kami sa library. "Maghiwalay tayo para mas mabilis ang paghahanap ah? Dun ako sa isang row tapos ikaw sa kasunod okay?" sabi niya pagkarating namin. Tumango ako. Minsan may pakinabang din ang isang 'to.
Nilalaro ko ang pentel pen sa kamay ko habang tinitingnan isa isa ang mga libro. Astrology, Chemistry, Applied science, Experimental book, Science fo-------
"Ay!" bulalas ko. Nahulog yung hawak kong pentel pen. Kainis baka mawalan pa yun ng tinta. Wala pa man din akong pambili. Agad kong hinanap yun sa ilalim ng mga shelf.
Blag!!
Natigil ako sa paghahanap ng marinig ang ingay. Nagtaka ako sa narinig kaya tumingin tingin ako sa paligid habang nakaluhod pa rin. May nakita akong nakaupo sa sahig sa kabilang nitong shelf sa harap ko. Babae. Nakapalda eh katulad ng sakin.
May biglang dumampi sa tuhod ko. Pagyuko ko . . . .
Yung pentel pen ko!!
Agad kong kinuha ito at saktong pag-angat ng tingin ko, nakita ko ang hinahanap kong libro.
Physics!
Kinuha ko ito mula sa ibabang part at tumayo.
"Cess! Tara na! Malelate na tayo! Nakuha mo ba?" biglang sulpot ni Adam.
Masigla kong winagayway ang libro na may kasamang malawak na ngiti.
"Ayos! Tara na!" aya nito at lumapit kami sa librarian para sa proseso ang panghihiram ng libro. Nang matapos ay tumakbo na kami agad.
Ping!Ping!Ping!
Natigil kami sa pagtakbo at nilingon ang pinanggalingan nun.
Pinandilatan kami ng mata nung Librarian. Binigyan namin siya ng kabadong ngiti at nagsorry. Madali kaming naglakad palabas at saka tumakbo papunta sa room namin.
Ilang oras pa ang nakalipas ay natapos na ang lahat ng klase namin.
"Cess favor naman oh? Pakidala naman 'tong bag ko sa dorm. May training kasi kami." pakiusap ni Faye. Ngumiti ako sa kanya. "Sure!" kinuha ko ang gamit niya. "Yes! Thank you!" yumakap siya sakin at agad ding kumalas. "Sige una na ako. Bye Adam!" paalam niya at tumakabo sa direksyon ng gym.
"Naks! Kaya ang daming nahuhulog sayo eh! Mga galawan mong ganyan tsk tsk." pang-aasar ni Adam.
Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa dorm namin. Meron din kaming training ngayon.
"Pinagsasabi mo dyan? I'm just being nice."pagtatanggol ko sa sarili.
"Yun na nga! Namimisinterpret nila ang kabaitan mo into sweetness kaya ayan andaming nababasag na puso." paliwanag niya.
"Hindi ko na problema yun." sabi ko dahil totoo naman.
"Sira! May kasalanan ka din! Bawas-bawasan kasi ang pagiging friendly. Bawat madikit sayo naiisyung girlfriend mo eh!" pagdidiin pa nito.
Masama na bang maging mabait? Pag nagsungit naman ako, maiissue rin.
"Princess!"
Nahinto kami sa paglalakad. Tumingin ako sa kasama ko. Unti unting sumilay ang mapanuksong ngiti sa labi niya.
"Yung crush mo." sabi ni Adam.
I sighed.
Olivia Lorenzo.
One of the beautiful girls in this school. Morena. Tall but I'm still taller. Makulit.
Nanigas ang katawan ko ng maramdaman ko ang dalawang braso na pumulupot sa bewang ko. Idagdag mo pa ang pagbulong niya ng "Hi." gamit ang mapang-akit niyang boses na nakapagpatayo ng balahibo ko sa batok.
Here she goes again.
Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya sakin at hinarap siya.
Tama si Adam. Crush ko nga babaeng ito at alam niya yun. Madalas kapag nalaman ni crush na crush mo sila ay maiilang siya mismo pero iba ang kaso ko, ako ang naiilang. Bakit? Kasi nageenjoy siya kapag naiinis ako lalo na pag maraming nasa paligid.
Katulad ngayon, ang daming nakatingin samin.
"Aww ang cute mo Babe! You're blushing." turan ng babae.
Oo, namumula ako sa KAHIHIYAN!
Every boy in this school would trade anything just to be in my place. Isang Olivia Lorenzo ang yumakap sayo tapos tinawag ka pang babe! Ang swerte mo! Pero ibahin mo ako. Hindi ako maPDA na tao. Kahit nga holding hands medyo nahihiya pa ako. Don't get me wrong, nahihiya dahil hindi naman ako showy. I mean, I have my own ways to show how much I like or love someone. Hindi ko lang talaga kayang gawin yun sa harap ng maraming tao.
"Olivia naman. Ang tigas talaga ng bungo mo no?" pigil inis kong pahayag.
Napaatras naman ako nang inilapit niya ang mukha sakin. Tumitig lang ako sa maganda niyang mukha na ngayon ay nakangisi na. "What can I do? You really look adorable right now. Besides I miss you, didn't you miss me?" she pouted.
Ugh TOO. MUCH. CUTENESS. I. MUST. RESIST.
I closed my eyes and tried to calm myself from kissing her pouty lips.
"Of course I did." that's true though. Sa likod naman ng mga ganitong kalokohan niya, magkaibigan pa rin kami at masaya siyang kasama.
"I know." she said it proudly.
Sukat doon ay binuksan ko ang aking mga mata at nakita ang ngiti niya. Yung totoong ngiti. Isa sa dahilan kung bakit ko siya hinahangaan.
"Hi Adam!" baling niya sa lalaki.
Natawa ito, "Akala ko hindi mo na ako mapapansin. Aalis na sana ako."
"Sana ginawa mo na para masolo ko naman itong Babe ko." inakbyan niya ako.
"Grabe ka naman! Para hindi tayo magkakaibigan dito ah!" reklamo ng lalaki.
"Ikaw lang kasi ito, ka-ibigan ko." patungkol niya pa sakin.
Napaikot ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam pero hindi ako kinilig sa sinabi niya.
"Olivia." I warned her.
Tumawa ito, "Joke lang babe! Ikaw naman, forever serious!"
"Tama na nga yan love birds! Ilibre mo nalang kami Olivia, sakto gutom na ako!" sinakyan pa ng sira ulong 'to.
"Oo ba! Tara!" pagsang-ayon namin ng babae. Wala na akong nagawa dahil kinaladkad na nila ako palabas ng school.
BINABASA MO ANG
Run, Princess! Run!
Teen FictionThis is the story of how I found my not so Damsel in distress.