Mabilis lang lumipas ang araw. Nagdaan ang bagong taon ng masaya. Balik trabaho din agad pagkatapos ng bakasyon.
Maliban sakin.
I won't be needing in the site for quite a while because I finished my work early.
So for today, tambay ako dito sa bahay at dahil bored ako general cleaning ang kalalabasan nito.
Isinasampay ko ang mga nalabhang damit dito sa isang sulok ng rooftop. Sakto maaraw pero hindi masakit sa balat.
Pag-ikot ko ay isang hindi inaasahang nilalang ang aking nakita.
"Anong ginagawa mo dito?" pag lapit ko sa kanya na nakasandal sa pader.
"Ezekiel said you're here so I'm here."
"And why exactly are you here?"
She shrugged then walk passed through me and invited herself inside my house.
Wow. Bahay niya ata to eh.
Pumasok ako at nakita ang isang tuwang tuwang bata dahil sa alaga kong pusa.
"He's here pala. Kelan pa siya dito?" ndi man lang ako tinapunan ng tingin dahil sa pakikipaglaro niya dito.
Tss.
"3 years na rin. Nung maipatayo 'to kinuha ko na siya para may kasama ako dito."
"Mag-isa ka lang dito?"
"Yeah? may nakikita ka bang kasama ko dito?"
"Si Kate?"
"May sariling bahay yun no! bakit titira yun dito?"
"Wala naman. Anyways, anong ginagawa mo?" tumayo na siya at hinarap ako.
"General cleaning."
"Need help?"
Napatigil ako sa pagpupunas ng bintana.
"Can you help me?"
Imbes na sagutin ako kay kumuha siya ng dyaryo na nakalat at lumapit sakin.
"Mas makakalinis ang papel kesa sa basahan." nakipunas na rin siya at napagmasdan ang ginawa niya.
"De ikaw na!" iniwan ko siya at nilinis ang ibang parte ng bahay.
Nagpunas ng mga gamit na nabalutan na ng alikabok. Nirearrange ang mga libro. Nag-angat ng mga furnitures.
Lahat ng yun ay tinulungan niya ako. Medyo nagulat pa ako dahil wala siyang kaarte arte. Parang sanay din siya sa mga ganitong gawain. Mas maraming pa nga ata siyang alam kesa sakin.
"How could you know a lot of things about cleaning?"
"I was taught by our parents and sina Manang din kapag naglilinis ako ng kwarto ko."
"You do?"
"Yes kahit yung mga kapatid ko."
Wow. De sila na talaga.
"Hayy, natapos din!" ibinagsak ko ang sarili sa kama. Grabe nakakapagod!
Napamulat ako ng maramdamang may humiga sa tabi ko.
Nagtama ang mga paningin namin. She smiled and moved her body closer to mine. She put her arm in my tummy and burried her face in my neck.
Something tickled inside me as my heart pounded.
BINABASA MO ANG
Run, Princess! Run!
Teen FictionThis is the story of how I found my not so Damsel in distress.