"Eto yung lumang palengke. Nung bata ako, may pwesto kami dito. Dito na halos ako lumaki." paliwanag ko.
"You grew up in a market tapos ikaw mismo hindi ka marunong mamalengke?"
Napaismid ako sa tinuran niya. Eh sa hindi ako marunong!
Sa pang-apat na araw namin dito sa probinsya, naisipan ko na ipasyal siya. Masyadong malayo
sa bahay yung pasyalan talaga so
dito ko nalang siya dinala sa malapit para walking distance lang.Hapon na kami lumabas ng bahay. Tumulong muna kami sa tindihan bago gumala. Pagood shot ba?
Sunod ko siyang dinala sa simbahan namin. Inilibot ng konti tapos nagtirik na rin ng kandila.
Next stop!
"Supposedly, kung hindi ako narecruit sa school natin dito sana ako papasok ng highschool." buti nalang bukas pa yung school at kilala pa ako ng security.
Naging madali lang ang paglibot namin dahil maliit lang naman iyon.
Mula doon nilakad namin hanggang sa marating kami sa new market o public market kung tawagin dito samin.
"Kung naaalala mo, eto rin yung terminal kung san tayo bumaba."
Inilibot niya ang paningin "Yeah eto nga yon." inikot lang namin iyon at ng makaramdam ng pagod ay pumunta kami sa caltex. May mini grocery store kasi dun tapos may tambayan din sa labas.
Bumili kami ng makakakain saka kumuha ng pwesto sa labas ng tindahan.
"What can you say about my home?"
"Actually, nagulat ako. Ang perception ko kasi sa province malayo sa ganito. Ang moderno
na.""Don't tell me, hindi ka pa nakakarating sa kahit saang probinsya?"
Umiling siya.
"Let me guess, akala mo yung bahay dito siguro bahay kubo
pa tapos rough road. Malalayo ang agwat ng bahay then maraming palayan."And again, umiling siya.
"Wow, you need to go out more. You're missing a lot."
She shrugged "I do go out, yun lang mostly in another country."
"Ayun lang, ang layo ng nilalakbay niyo eh marami rin namang magagandang lugar dito sa Pilipinas. Dapat gawing batas yan eh, yung may requirement bago
ka makaalis ng bansa for vacation. Dapat may napuntahan ka ng lugar dito mismo sa bayan mo bago sa bayan ng ibang bansa."Hindi niya inintindi ang mahaba kong litanya bagkus ay inupakan na lang ang pagkain.
Tss.
"Cess?" napaling ang ulo ko sa tumawag sakin.
"Uy Marvin!" bati ko sa kaibigan ko noong gradeschool.
"Hello! Kelan ka dumating? Ang tagal mong hindi nagpakita ha!"
"Nung isang araw lang. Ngayon lang nagkameron ng pamasahe pauwi eh."
"Sus! Ang sabihin mo may girlfriend ka dun na hindi mo maiwanan!" asar nito
"Baliw! Wala no."
And as if on cue, napatingin ako kay Ella na nakatingin na rin pala sakin.
Napatagal ata iyon ng biglang nagehem itong isa.
"Ow, wala na palang iiwanan dahil kasama na." bulong nito na obviously narinig ko.
BINABASA MO ANG
Run, Princess! Run!
Teen FictionThis is the story of how I found my not so Damsel in distress.