2 meters

15.5K 397 16
                                    


"Cess!!" nahinto ako sa paglalakad dahil biglang sumulpot sa tabi ko si Adam. "Hi Faye!" bati nito sa dalaga.

"Hello!" masayang bati ng babae.

"Sabay sabay na tayo ah?" naglakad na kaming muli.

Magkakaklase nga pala kaming tatlo.

"Ang bilis ng panahon no? Last year na natin 'to." panimula ni Faye.

"Hmm." Pagsang-ayon ng binata. "Kayo ba? San kayo papasok ng college?"

Si Faye ang naunang sumagot, "Pinagusapan na namin ni Dad yan nung isang araw. Baka sa States ako tapos business course daw since ako rin naman ang magpapatakbo ng ilang negosyo namin."

"Ako," patungkol ni Adam sa sarili,  "Maghahanap na habang maaga pa para makapili na agad ako. Ikaw?" tanong sakin nito.

Nagkibit-balikat lang ako. "Ewan."

"What?! Pwede ba yun? Don't tell me hindi ka magkacollege?" Hindi ko alam pero and OA ng lalaking 'to.

Natawa ako ng bahagya, "Kalma ka lang, magkacollege ako. Ayoko lang munang magplano total isang taon pa naman ang lilipas. Marami pang pwedeng mangyari." Hindi ko gusto ang nagpaplano. Madalas kasi sila pa yung hindi natutuloy. Nagtataka nga ako sa iba, bata palang planado na ang future. Eh hindi naman nila alam kung ano ba talaga ang mga mangyayari sa hinaharap tapos pag hindi natupad kung kani-kanino isisisi. Kawawa naman sila.

"Sabagay pero iba pa rin kapag may plano kumbaga may outline ka na ng mga gusto mong mangyari." sang-ayon ni Faye.

"Ay ewan! Ang mahalaga, maipasa ko muna lahat ng requirements baka mamaya mapurnada pa!" sabi ko pa. Hindi naman sa mahina akong estudyante. Realistic lang ba? Actually, average student ako. Sakto lang ang kakayahan. 

"May point ka nga naman. Okay, then let's just enjoy our last year. Make good memories." komento ni Adam.

"Sounds like a plan huh?" I looked at them both and smiled. They returned the gesture and continued to walk our way to class. Dumating kami sa klase ng sampung minuto pa ang lilipas bago magsimula. Nagsiupuan na kami sa bandang likod ng silid at nagpatuloy sa kwentuhan pampalipas ng oras. 

Saktong 7am nagsimula ang klase at narinig namin ang boses ng teacher namin.

"Good morning, Ms. Monteverde." saad nito na nagpaangat ng tingin ko sa tinukoy. Isang babaeng maputi, matangkad at mahaba ang buhok ang pumasok sa classroom at dire diretsong umupo sa malapit sa bintana. Tahimik ang buong klase habang nakamasid sa bawat kilos niya. Naramdaman niya ata iyon kaya lumingon siya at tinaasan sila ng kilay. Natarantang nagsibalikan ang kanilang atensyon sa teacher namin.

Si Ella Monteverde. Mayaman. Matalino. Maganda. Hindi ko alam kung bakit takot sila sa kanya. Hindi naman siya ang may-ari ng school.

"Huy makinig ka!" untag sakin ni Faye at tinuro ang teacher namin na nagsisimula na palang magturo.

Si Faye Manansala. Ang totoo niyan siya ang anak ng may-ari ng school. Yaman no? Pero mabait pa at maganda rin. Diba? Nasa kanya na ang lahat. 

Mabilis ko namang binalik ang tingin sa unahan at nakinig. Mahirap na baka mapagalitan pa ako.

Saktong nagbell na hudyat na tapos na ang unang klase. Nagsitayuan kami at naglakad palapit sa pinto nang biglang may humila sakin at napansin na may dumaan na isang pigura sa harap ko. Inis akong lumingon sa kung sino man ang gumawa nun. Halos matumba na kasi ako sa lakas.

"Anak ng! Ano problema mo?" asik ko sabay bawi ko sa braso ko mula kay Adam. "Pasensya okay? Iniiwas lang kita sa kapahamakan." pabulong nito. Tumaas ang kilay ko, "At ano mang masamang mangyayari kapag lumabas ako ng pinto aber?"

Run, Princess! Run! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon