Pinatay ko ang stove at kinuha ang niluto ko.
Naghain na rin ako sa mesa.
Konting ayos pa at Perfect!
"What are you doing?"
"Hey Kate! Good Morning and breakfast is ready!"
Iginaya ko siya sa mesa at pinaupo.
"You cooked?!"
"Hehe konti lang naman yan. Tsaka look! hindi sunog ang egg at hotdog!" napakamot ako sa ulo.
"Kamay?" iniabot ko sa kanya ang mga kamay ko.
Sinipat-sipat niya ito.
"Hindi ka napaso?"
"Nope! Magaling na kaya akong magluto!"
"Ahuh? Magaling ka na niyan sa pagpiprito ng itlog?"
"Ay grabe siya oh! Hmp! Gusto ko lang naman po na ipagluto ka dahil ikaw palagi ang gumagawa nun at namiss ko rin ang pagluluto dahil ang tagal na mula nung pinagbawalan mo akong gawin yun."
Once I tried cooking, napaso ako sa kamay. First degree burn yun kaya ndi ako nakapagdrawing for a project that time. Katakotakot na sermon ang inabot ko sa kanya nun. Kesyo ndi raw ako nag-iingat. Dapat daw na ingatan ko ang mga kamay ko dahil ito ang puhunan sa kinuha kong kurso Mula noon ndi na niya ako pinagluluto at baka raw ang buong establishment na ang masunog ko.
"Concern lang naman ako. . . "
"I know, thank you." I pinched her nose.
" . . dun sa buong bahay mo. Pag nagkataon damay ang coffee shop edi nawalan ako ng pagka-----"
"Hep! Oo na, sige na. Kumain nalang tayo ha? Sayang naman ang luto ko diba?"
"Makapagmayabang talaga no? matikman nga . . . "
I watched her as she took a bite.
"So?" I eagerly asked.
Ndi ko mabasa ang expression niya.
"Walang lasa."
"What?! Seryoso?" I immediately take a bite.
Nanlumo ako. Matabang nga.
"Atleast hindi sunog. Catsup lang kaya katapat nito." sumulyap ako sa kanya na masayang nilalantakan ang hinanda
I smiled.
Bihirang makakita ng taong kayang tanggapin lahat ng hindi mo kayang gawin at piliin na manatili sa tabi mo. It would be a huge mistake to ever let go someone like her.
"To think na sa taas lang ang bahay mo, still you are late. Care to expalin?" bungad sakin ni Faye pagkapasok ko sa opisina.
I gazed around and saw Z, who's busy doing something on his desk.
Dumiretso ako sa table ko "Good morning to you too, Faye. I know, I'm late and I'm sorry. Nasa bahay ako ni Kate and we had breakfast tapos sabay na rin kaming pumunta dito. Happy?" I faced her.
"So dumayo ka sa bahay niya para lang magbreakfast? Why?"
"Why what?"
"Why do you have to do that?"
"And why not? Is it bad to make her a breakfast?"
"OMG!!!"
"Faye ano ba?! Ang ingay mo naman eh!" maktol nung isa.
"Are you guy's together?"- Faye
"Huh?! Kayo na?" this got his attention to us.
"Guys calmed down. Faye, wag kang OA! At Z, wag ako ha? hindi ka busy kaya tigil tigilan mo yan! Hindi kami, okay? Pinagluto ko lang siya ng breakfast."
BINABASA MO ANG
Run, Princess! Run!
Teen FictionThis is the story of how I found my not so Damsel in distress.