Madilim.
Maingay.
Crowded.
Not my kind of place but I am here because of one particular person.
"One tequilla on the rocks!" I said to the bartender.
I learned how to drink when I was in college. Isa ito sa mga anti-stress namin ng mga classmates ko. But I still know my limitations. Sometimes I do a few shots to find my sleep.
Isang mainit na pakiramdam ang dumaloy sa lalamunan ko nang uminom ako ng konti mula sa
basong binigay ng bartender.Saktong sakto para sa isang araw na puno ng trabaho.
"Hi." narinig ko pero hindi ako lumingon. Malay ko ba kung ako yun? sa dami ba naman tao dito.
I felt someone's presence near me. Lilingon na sana ako nang bumulong siya sakin.
"Hi." kinilabutan ako. Malamang, ikaw ba naman ang bulungan ng hindi mo kilala eh.
Parehong boses.
This time, hinarap ko na siya. Leaving some space between us.
Maganda. Foreigner ata.
"I'm sorry. I thought you are calling for someone else."
Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti "Well, they did not catched my attention but you, hmm you're interesting." pinasadahan niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa.
I gave her a blank look "I maybe interesting but you're not. Again, I'm sorry."
Mukhang nainsulto naman ito at bigla nalang nagwalk out. I shruggged.
"Here's to the one and the only Pabebe Queen! Tsk another heart was broken tonight."
"Correction. Broken ego. At teka, sinong pabebe? Ha?"
Tumawa ang lalaki "Bakit may iba ba akong kausap? Malamang ikaw! Napachossy mo! Ikaw na nga ang nilalapitan eh ayaw pa psh."
I don't know but I'm never been the flirty type. Pero syempre ibang usapan na kapag gusto mo talaga yung kausap mo diba?
"Hindi nga kasi ako interesado sa
kanila. Ano bang mahirap intindihin doon?""No one has been interesting enough for you for the past 8 years, Princess."
"Really Adam? Babalik na naman ba tayo diyan?" my patience is wearing thin.
Inubos ko ang alak sa baso at nagorder pa ng isa.
"Babalik? How can you go back if you didn't even make a move?"
"Adamson." I warned. Hindi pa man ako lasing eh sumasakit na ang ulo ko sa kanya.
"Fine! Sorry namiss lang kita." ngumiti ito.
"Kung upakan kaya kita ngayon tapos sabihin ko namiss kita?"
"Biro lang naman! Tss. pikon ka talaga. Anyways, tigilan mo na yang pag-inom at umuwi ka na. Nagtext sakin si Kate na may event pa daw kayong pupuntahan bukas ng maaga."
"Well, that's the reason why we are here. To celebrate."
"Ah yeah congratulations nga pala. Kwento sakin eh tuwang tuwa ang client niyo."
"Opkors! Kami pa ba?!"
"Ang yabang tss. Umuwi ka na nga! Mamaya ako pa ang gegerahin nung girlfriend mong hilaw pagnalate kayo bukas."
BINABASA MO ANG
Run, Princess! Run!
Teen FictionThis is the story of how I found my not so Damsel in distress.