It's 5am and I'm on my way to our training. School just got back today.
New Year's day passed by quickly. It's not that happy though, well atleast for me.
Yung feeling na may kulang pero hindi mo alam kung ano. Badrip no? Gusto mong maramdaman kung gaano kasaya ang okasyon pero may kung anong dahilan ang pumipigil para maramdaman mo.
Payo nga ni Tatay na tawagan ko na daw siya para hindi ganito ang mood ko. Ginawa ko naman kaso hahahaha malas siguro ako ng mga panahon na yun. Hindi ko siya macontact kaya si Auntie ang tinawagan ko kaso naambush naman ako nung magkapatid.
I like talking to them but It felt like it's not what I needed that time.
Alam niyo yung simpleng 'Happy New Year' lang mula sa kanya okay na?
Lumipas pa ang ilang araw at hanggang ngayon, wala pa rin akong naririnig mula sa kanya.
"Uy all smiles tayo ah? Excited sa training?" si Jay
Ganun pa man ang nangyari, excited ako ngayon. Yun lang, hindi dahil sa training.
I can't wait to see her later.
"I'm always smiling." sagot ko
"But not like today. May iba eh."
I laughed "Feeling mo lang yun! Teka asan na si Ryan? He should be here by now."
"Kausap sa phone si Coach Ren." sulpot ni Dexter sa tabi ko.
"Hmm okay. Guys! Warm na muna tayo habang hinihintay si Captain."
After 15minutes, dumating na ang hinihintay namin.
"Team!" he gestured us to come near him.
"Listen, Coach won't be here for awhile because of some emergency. Pero syempre tuloy pa rin ang trainings. Kabilin bilinan niya yun. Ang magiging pasaway, may consequences pagbalik niya at damay ang buong team. So guys, I need cooperation. Ayokong maparusahan and I'm sure kayo din. Are we clear?"
"Yes Captain!" sigaw namin
"Okay, let's get started!" - Ryan
Pagkalabas ko ng locker room ay lumapit ako agad kay Adam.
"Uy, tara na baka malate tayo." nauna akong maglakad
"Saglit Cess!"
Bigalan ko "Oh?"
"Um nakakatamad pumasok no?Absent tayo!"
I stopped walking.
"Huh? kakaresume palang ng klase tinatamad ka na? Hoy new year na! Bago bago din!" nagpatuloy akong muli sa paglalakad.
"Eh medyo bitin yung bakasyon! Saka malamang niyan, konti
palang din ang papasok. May hangover pa sila!""Tsk kung ayaw mong pumasok
edi wag basta ako papasok. Wag kang kokopya ng notes sakin!""Grabe, magkaibigan tayo diba? Dapat samahan mo ako. We're all in this together nga diba?"
I faced him "Seriously what's wrong with you today? Pansin ko sa training kanina tahimik ka tapos disoriented ka pa. Ngayon inaaya mo akong hindi pumasok dahil lang tinatamad ka? May problema ka ba?"
He sighed "Wala no. Nakakatamad lang talaga. Kung ayaw mo edi wag. Ikaw naman, ang saya ng aura mo. It seems that you're excited about something. What is that?"

BINABASA MO ANG
Run, Princess! Run!
Teen FictionThis is the story of how I found my not so Damsel in distress.