"Ate Aiah, are you okay?" Tanong ni Mikha habang tumatabi sakin.
"I'm fine, Mikha Lim. Malapit lang siguro dumating period ko kaya medyo moody." I forced a smile and tried to keep my cool pero yung puso ko ayaw kumalma.
We're now waiting for the other girls to come down. May rehearsal kami for upcoming tv live performance sa ASAP. We still have 20minutes bago dumating yung van na sundo namin.
"Are you sure? How about I'll buy you icecream after the rehearsal to lighten up your mood?" She said smiling while looking at me. Nilapit pa nga yung mukha nya sakin to get my attention.
I can't help it! Nakakahawa talaga ang ngiti ni Mikha at alam na alam nya kung paano ako kunin. Alam nya ang kahinaan ko, so, paano naman iiwas kung ganito sya ka-sweet?
"My treat. Please? Ate Aiah?" Ayan na, nag pout na sya at hindi sya titigil hangga't di nya nakukuha ang sagot na gusto nya.
Sasagot na sana ako pero sakto naman pababa na ang girls habang nagtatawanan.
"Sheena! Hindi naman ata pantay yung pag kulot mo sa buhok ko! Mas wavy yung sa right side!" Sigaw ni Jho habang may hawak parin na salamin.
"Jho naman kasi napaka likot mo! Sumasayaw ka habang kinukulot kita!" Natatawang sagot ni Sheena
"Nako napaka arte mo talaga, mangga!" Banat pa ni Stacey
Si Maloi, Colet at Gwen naman as usual, busy sa pag scroll ng kanya kanyang cellphone.
While waiting, nagtatawanan lang kami about sa reaction video ni Sheena ng biglang may tumawag kay Jho. Yung driver pala namin nasa labas na.
Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ng kamay ni Mikha. Nakatingin sya sakin at nag aantay parin ng sagot sa offer nyang icecream date mamaya. Okay, hindi date pero icecream time.
"Tara na Mikha Lim. Oo na, icecream us later." Tumayo na ko at hinatak sya patayo.
Nagmamadali na ako kasi nasa van na ang girls at kami nalang nahuhuli. Nakita ko syang nakangiti habang hawak ko parin sya sa wrist hanggang paglabas ng dorm.
Nasa handle ng pintuan ng van na yung kamay nya pero tumigil sya at tumingin muna sakin. Natigilan naman ako bigla. Hindi ko alam kung anong balak gawin ni Mikha sa puso ko pero pag di pa sya tumigil sa mga ganyan nya, ewan ko nalang.
"What?" Nagtataka kong tanong. Baka ano na isipin ng girls at ni kuya driver kasi medyo napapatagal na kami.
"Nagbago isip ko, we'll make it movie and icecream nalang pala for later!" Mabilis nyang sabi sabay pasok sa van.
To my heart, you have to be brave and please, don't pump too fast.
YOU ARE READING
Behind the Scenes
FanfictionMikaiah behind cameras. Are they true or we're just being delulu? Mikaiah au