Sasagot na sana ako ng biglang tumunog yung phone ko. Nung tiningnan ko, si Staku pala yung tumatawag.
"Hello? Staks?" Medyo maingay yung backgroud kung nasan sya kaya medyo diniin ko pa yung phone sa left ear ko.
'Hello? Hi? Ate Aiah? Can you hear me?'she answered at parang ako nga ang di nya marinig dahil sa ingay ng music.
"Yes, loud and clear na."
'Si Mikha ba nandyan na ate Aiah?' Nag aalala yung boses na tanong nya
"Oo Staku, nandito. Don't worry na, ako na bahala kay Mikhs. Ikaw ang mag ingat dyan at please lang, umuwi ka na."
'Pauwi na din ako ate, palabas na and naka book na ng grab. Kay Jho ako makikitulog para malapit. Nag alala lang ako kay Mikhs kasi nakainom na sya at ayaw papigil. Pupuntahan ka daw nya, so ayun, ako na nag book for her.' Tuloy tuloy na paliwanag nya sakin
I assure her na okay lang naman dito si Mikha sakin at nag message na din ako kay Jho na hintayin si Staku makarating sa condo nya.
Pagbalik ko kung nasaan si Mikha dahil kinuhaan ko sya ng water, ayun, nakahiga na at nakatulog sa sofa.
Nilagay ko yung bottled water sa side table and umupo ako banda sa harap nya. Tinitigan ko sya habang natutulog na parang baby kasi medyo naka pout sya parang gusto magpa-kiss. Napailing ako kasi di nanaman makakatulong sa sitwasyon ko 'tong pinaggagawa ko.
"You're staring a little too long." biglang nagsalita si Mikha ng pabulong pero nakapikit pa rin.
Napatayo ako bigla, muntik pa ko ma out of balance at ramdam ko yung pagpunta ng dugo sa mukha ko! Nakakahiya! Nahuli nya ko! Pero ganun pa rin sya, di sya dumilat ni gumalaw. Pagkasabi nya nun, wala na. Baka nananaginip lang?
"Mikha Lim?" malumanay ko syang tinapik sa pisngi "You need to wash up and change your clothes. Sige ka papangit kutis mo nyan."
"Hmm"
"Mikha Lim, please get up, wash up and change your clothes para makatulog ka na sa room. Sasakit katawan mo dyan, sige ka."
"Hmm. I need water ate Aiah" para syang zombie na umupo mula sa pagkakahiga. Gusto ko matawa sa sobrang cute nya
"Here, drink it and go to the bathroom after, okay? Nahanda ko na pamalit at mga need mo dun."
Naubos nya yung bottled water in one go. Uhaw na uhaw sya, I guess.
Nandito na ko sa room kausap ko kanina sa phone si Jho and she informed me na kasama na daw nya si Stacku. Nagpaalam na din sya agad dahil mag aasikaso pa daw sya ng lasing na clingy.
Napatingin ako sa pinto nung pumasok si Mikha.
"Hi?" nahihiya nyang bati sakin.
Pinaningkitan ko sya ng mata dahil alam nyang ayoko ng katabing amoy alak.
"Mikha Lim, hindi mo ko madadaan sa ganyan mo." Lumapit sya sakin at umupo sa bed.
"Sorry na, wag ka na magalit. Kahit amuyin mo pa ko, mabango na ko, promise." sabay lapit nya ng katawan sakin.
Hinayaan ko lang sya, di ako gumalaw sa pwesto ko.
"Whatever. Itulog mo na yan. Wag ka talaga magrereklamo na masakit ulo mo sakin bukas." Umayos na ko para humiga, alam ko na nakaupo pa rin sya sa side nya ng bed kasi walang gumalaw.
"M, sleep na." sabi ko habang nakatalikod ako sa kanya.
"Okay po." naramdaman ko na yumakap sya sakin. She's spooning me, so help me holy mother of cheese burger.
One thing about her, she likes cuddles and snuggles pag may alak yung katawan nya. Feeling ko kahit nakatalikod ako sa kanya, mararamdaman nya pa rin yung tibok ng puso ko sa sobrang lakas at bilis.
"A?"
"Hmm?"
"I missed you."
----
A/N: no proof read, wrote this while on coffee break. Eyyy! Hahaha
YOU ARE READING
Behind the Scenes
FanficMikaiah behind cameras. Are they true or we're just being delulu? Mikaiah au