Today is our performance day sa ASAP stage and we are all having the same feeling; excited and nervous. I hope we'll be doing just fine because we gave our all in every practice.
Thankfully, after Mikha and I's foodtrip in the park, the happenings with the creepy guy are now blurry in my mind. I'm so lucky to have Mikha by my side, as always. She also keeps her promise that we won't tell the girls about it.
Nasa dressing room kami dahil nag start na mag prepare and make up. Nakarinig kami ng katok sa pinto and biglang sumilip si Gelo ng BGYO. We're like sisters and brothers so okay lang samin pag dumadalaw sila para mangulit. But this time, he is acting weird and shy while entering the room.
"Hoy Gelo, okay ka lang ba? Bakit para kang constipated dyan? Don't tell me kinakabahan ka sa performance nyo for later?" Pang aasar ni Maloi habang inaayusan sya ng buhok ni ate Lei.
Nagtawanan kami ng medyo pigil kasi nga mga inaayusan kami. Yung mga hirit talaga ni Maloi minsan, kaloka. Si Gelo naman nakitawa nalang din, sanay na yan samin.
"No, actually, just want to make sure na lahat kayo ay makakasama mamaya sa dinner natin. Kaka-inform lang kasi samin ni Direk kanina. Gusto ko na nga malaman kung saan nya tayo dadalhin at kung papayagan ba tayo mag bar after"
"Of course, sasama kami mamaya dahil si Direk ang nagyaya. Ibig sabihin, biyaya." natatawang sagot ni Jho.
Puro talaga kalokohan nasa isip ng bini, madalas ganyan kami. Wala na filter filter, tatanggapin ng fans kung tatanggapin.
"Hay nako, basta ako pagkain lang okay na, 'di ako mahilig sa mga bar na yan." sagot ni Stacey while scrolling on her phone.
"Yes! Tama ka dyan Stacku girl" pag sang ayon ni Sheena
"Tara na Bebe, gawin na natin yung tiktok if okay ka na dyan." si Gwen naman walang pakealam sa usapan as usual, unbothered.
"Sige, hanap ka na pwesto and set up mo na Bebe, sunod ako."
"KJ naman ng mga 'to! Mikhs! Mamaya sama ka samin after dinner, G?" Ayaw talaga paawat ni Gelo, gusto nyang may makasama sa bini mamaya. "Sama mo si Aiah? may gusto rin ako ipakilala sa inyo"
Nagpalipat lipat yung tingin ni Gelo samin ni Mikha, di ko alam pero parang nakita ko na naiinis na sya sa mga pinagsasabi ng lalaking 'to.
"Hala? Bakit naman nadamay ako?" Tanong ko, kasi alam naman nila na ayoko sa mga ganyang lugar.
"Wag mo na asahan na sasama si ate Aiah kung sa bar mo sya dadalhin, bro." Pagbibiro ni Jho. Kilala nila ako at di ako madaling maisama sa mga ganyan.
"Sasama ako mamaya pag pinayagan, wag mo na guluhin si ate Aiah." Mikha said, na parang wala lang sa kanya.
Hindi ko na narinig yung mga sumunod na usapan nila dahil hinatak na 'ko ni Colet, may plano kami na magtiktok for the blooms! kagabi pa namin nagpagdesisyunan na bisaya song gagamitin namin para mas masaya at bilang mga bisayang dagko kami. We had fun doing it in just 3 takes! Napaka dami kong tawa kay Colet na makulit.
Pinapanuod nalang namin ni Col yung nagawa naming tiktok at tawa parin ako ng tawa habang sya naman nangingiti nalang. Ang saya lang rin talaga pag napalabas mo yung masayahing side ng isang 'to kasi sobrang bihira.
"Ate Aiah, Col, standby na daw tayo." Napalingon ako agad ng marinig ko yung tawag ni Mikha.
"Okay Mikhs. Tara na Aiah, this is it." sabi ni Colet sabay akbay sakin habang naglalakad.
Saktong lingon naman samin ni Mikha dahil nauuna sya. Unti unting nawala yung ngiti ko ng mapansin ko na parang biglang nag iba yung expression ng mukha nya.
What's with you, Mikha Lim?
YOU ARE READING
Behind the Scenes
FanfictionMikaiah behind cameras. Are they true or we're just being delulu? Mikaiah au