Chapter 8

2.7K 67 1
                                    

We are now having dinner here in a Japanese restaurant. Mga 2 hours na kami dito and iba iba na ng usapan, biruan at syempre mga bardagulan. Hindi talaga papatalo ang bini girls sa mga boys. We also created tiktok videos sa labas kanina.

Since pwede naman na maghihiwa-hiwalay after dito, I will book a grab car nalang hanggang condo. We have different condos and pag need lang namin mag meeting or rehearsal dun kami nag stay sa dorm.

"Hey? si Mikha and Stacku lang talaga sasama sa amin mamaya?" singit ni Aki

"Yes, wala na kami energy, kaya nyo nyan. At hindi kami mahilig sa mga ganyan." sagot ni Jho

"Final answer? Gwen? Sheena? Colet? Aiah? Pati ba naman ikaw, Maloi? Minsan lang naman! Try nyo lang." dagdag pa ni Nate

"Mas gugustuhin ko matulog, We're so tired na Nate, 'diba Bebe?" Gwen answered while clinging to Sheena

Tumango lang si Sheena halatang pagod na.

"Trulalers. Kaya nyo nyan mga kuya at ate ko." Maloi said

"You enjoy the night guys." sabi ko nalang kasi mas gugustuhin ko nalang talaga mahiga sa kama.

Paglabas ng restaurant, sabi ko di na ko sasabay sa van kasi mag grab nalang ako. Nagpaalam na kami sa isa't isa and parating na rin naman yung na book ko. Sila naman nakasakay na sa service and kanya kanyang drop off nalang along the way.

Scrolling ako ng cellphone kasi nga I'm tracking the car kung nasaan na ba. Biglang may nag text and it's Mikha.

From: Mikha Lim
'Ate Aiah, ingat ka pauwi, message me pag nasa condo ka na.'

Tinitigan ko lang muna yung message kasi ayoko mag over think. Dati pa naman sya ganito sakin. Wala lang 'to, normal lang dapat mag message ng ganito si Mikha Lim.

Pagkadating ko sa condo, nag tanggal lang ako ng make up at naligo para makatulog na.

Mga 30 minutes na ko sa kama nung maalala ko yung message ni Mikha kanina! Hala ka. Pero okay lang yan, malamang nag eenjoy na yun dun ngayon sa bar. Bakit naman nya hihintayin yung message ko 'diba?

Nakita ko yung IG stories nila na hindi masyadong halata kung nasaan sila pero dahil nga alam ko, gets ko na mga galawan nila.

Napahawak pa ko sa dibdib ko ng biglang tumunog yung door bell! Kaloka! Anong oras na! Sino naman kaya 'to? Di ako agad bumangon dahil baka nagkamali lng ng pindot yung nag door bell. Pero bai! tumunog ulit. Okay, peep hole muna para sure.

Gabi na pero yung puso ko gising na gising nung pagsilip ko, nakita ko si Mikha. Binuksan ko agad yung pinto at pinapasok sya.

"Mikha Lim! bakit ka nandito?" medyo amoy alak sya

Gusto ko sya pagsabihan na delikado umuwi ng ganito sya at walang kasama pero ano naman karapatan ko?

"Hi A~" dumeretso sya sa sofa at umupo. Halatang tipsy na pero nilalabanan nya antok. Tinabihan ko sya kasi para na sya yung uncle ni detective conan.

"Mikha Lim, stay here. I'll get you water." Patayo na sana 'ko pero hinawakan nya yung kamay ko at sinandal nya pa yung ulo nya.

Calm down, heart. Di ka pwede sumabog tonight. Hindi nakatulong nung tiningnan ko sya kasi nakatingin din sya sakin.

"A? can I sleep over here tonight?"



---
A/N: Should I continue this story?

Behind the ScenesWhere stories live. Discover now