"Hello?" sinagot ko yung call right after nila makalabas ng condo.
Medyo naririnig ko na bulungan nalang kung mag usap yung girls.
'Hi Aiah? sorry kung tumawag ako, di ka kasi nag reply kanina so akala ko mali yung number.'
"Okay lang, sorry, nag live kasi yung bini kanina sa kumu and we're having our bonding right now."
'Ay, nakakaistorbo na pala ako. Sorry.'
"Hindi, ano ka ba, okay lang, bakit ka nga pala napatawag?"
'Oo nga pala, so, just want to make sure if na receive mo ba yung song file na sinend ko for our MV, 30 minutes ago sa email.'
"Sige, check ko after the call and then I'll message you nalang."
'Sure, sorry for interrupting your time with the girls. Bye Aiah'
"Bye Jeremy."
Did I do something wrong? Bakit parang may nagawa akong kasalanan at nahuli nila ako?
To make my mind and heart at peace, I messaged Direk Lauren if I can tell the girls na about the MV with Jeremy.
"Ate Aiah? are you and Mikhs, okay?" nasa harapan ko na pala sila Staku, di ko namalayan kasi I'm waiting for Direk's go signal.
"Ha? What do you mean? Okay naman kami, baka wala lang talaga sa mood si Mikha ngayon. Alam mo naman yun minsan." hindi ako makatingin sa kanila habang nagsasalita
"Ate Aiah, you can tell us anything, okay?" dagdag pa ni Maloi
"Tama na muna yan, sige na, ituloy nyo na yung pag asikaso nyo dun sa pinagkakaguluhan nyo kanina at baka dumating na yun sila Gwen." buti nalang sumingit si Col kasi hindi ko pa alam yung pwede kong sabihin.
Bumalik naman sila Sheena sa pag set up ng videoke. Mga ilang minuto pa at dumating na din sila Jho dala yung foods.
I'm thankful sa girls kasi hindi na sila nagpumilit malaman yung kanina. They were singing habang kumakain kaming lahat. Feels like the same bini girls nung mga panahon na nagsisimula palang kami.
Lumipas ang ilang araw na free ang schedule namin. May mga solo ganap din yung iba, hindi ko pa nasasabi sa girls yung about kay Jeremy dahil hindi na nagkaroon ng tamang pagkakataon after that night.
I'm stalking Mikha sa social media accounts nya and I guess, she's having fun. Napapadalas ata yung paglabas nya ng gabi with her party friends. Buti nalang din active sya mag post ng videos sa tiktok dahil dun ko nalang sya natititigan.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak sa tags sakin ng blooms sa mga ganap nya. Kung paano nila sabihan si Mikha na wag masyado magpakasaya sa iba dahil wala na syang uuwiang Aiah pag nagkataon. All the memes na gawa nila, grabe talaga ang daming bantay ni Mikha Lim.
Today is Mikaiah day kaya ang daming posts about us. I really appreciate yung mga blooms for giving extra effort sa mga edits. They're so good at it, ang dami ko na napanuod mula pa kanina and grabe din pala yung mga times na hindi namin alam ni Mikha pero kusa nalang nangyayari pag magkasama kami. Nakakakilig din talaga kasi madalas sakin lang sya extra sweet.
I decided na mag live habang kumakain dahil ang lungkot mag isa sa condo plus I want to make this day special dahil it's our day.
Ang dami na agad nanunuod ng live ko, nagkakagulo na din sila sa live chat. Buti pa sila binati ako ng Happy Mikaiah day, samantalang yung other half ko, baka tulog pa dahil puyat kagabi kaka-bar.
"Thank you sa pagbati guys, pero si Mikha Lim, hindi pa ako binabati."
Totoong sad face yung pinakita ko dahil I need to let it out somehow.
Nagbabasa ako ng comments at sobramg dami na ang nagmamahal sa Mikaiah, may mga nagsasabing maaga pa daw at baka mamaya pa sya babati sakin. Kahit sila Maloi, Sheena nakikigulo sa live chat at tawang tawa ako sa pag declare ni Staku bilang Mikaiah president. Kabardagulan nila blooms kanina pa. Well, at least kahit papaano nakapag-celebrate, kahit na nakakatampo at wala manlang paramdam si Mikha.
After ko mag kumu live, tumawag si Fons asking if I'm okay and kumusta na kami ni Mikha after that night. He knows that I'm catching feelings with her, so para daw gumaan yung pakiramdam ko, mag night jogging daw kami kaya nabuhayan ako ng dugo.
I'm getting ready na kasi nasa meeting place na ang aking besties when I received a message.
from Direk Lauren
'Good evening, Aiah. I already received the schedule of MV shooting from Ms. Julien. I hope you already listening to the bini song. I will talk to you after your mall show in Alabang.
I almost forgot to greet you, Happy Mikaiah day.
----
A/N: Direk Lauren as a Mikaiah shipper.
YOU ARE READING
Behind the Scenes
FanfictionMikaiah behind cameras. Are they true or we're just being delulu? Mikaiah au