Nag short circuit ata yung utak ko dahil hindi ko alam kung ano isasagot ko, hindi ko alam kung saan magsisimula at paano ipapaliwanag yung mga nangyari kahapon.
Napansin ata ni Mikha yung internal panic ko kasi hinawakan nya yung left hand ko.
"Ate Aiah, you don't need to tell me if you're not ready. I understand. Sorry if natanong ko."
"Mikha Lim, let me-" aargh! my phone!
Colet calling..
Tiningnan ko si Mikha bago ko sinagot yung tawag and sa daan na sya naka focus.
'Yes, Colet?'
'Aiah, nasaan ka na? kayo nalang ni Mikhs ang wala dito.'
'We're on our way, kasabay ko sya so don't worry, malapit na din kami.'
Narinig ko na sinigaw ni Colet yung sinabi ko sa girls.
'Okay, ingat kayo ni Mikhs. Bye!'
I don't know how to start a conversation so I remained quiet until we reach the dorm.
Pumasok kami ng tahimik at ewan ko kung nahalata ng girls pero parang biglang tahimik din nila pagkadating namin.
"Hi guys!" I tried to sound happy, I hope they didn't notice.
"Finally, we're complete! Eyyy!" si Sheena na cheerful as ever.
Nagbatian lang kami and napansin ko na parang wala sa mood si Mikha. Nilapitan sya agad ni Stacey pagkapasok namin kanina. Kasalanan ko ba na nawala yung good mood nya?
Siniko naman ako ng mahina ni Maloi tapos tumingin sya sakin and kay Mikha. Parang tinatanong nya anong nangyari bago kami pumunta dito.
Umiling lang ako kasi hindi ko na alam kung ano ba uunahin kong isipin.
"Okay, so alam nyo na yung gagawin natin mamaya sa live ha?" Jho said after namin pag usapan yung need kahinatnan ng live.
We said yes, and nag retouch na ng sobrang light dahil mga naka casual lang naman kami. Mas gusto namin na makita ng blooms ang totoong bini sa harap ng camera.
All set. Nakapwesto na rin kami kasi magsisimula na yung live in 2minutes. So ako, Colet, Jho and Gwen yung naka upo sa likod while Mikha, Maloi, Staku and Sheena ang nasa unahan.
"Ready na tayo girls a. Live na." sabay pindot ni Staku and nag start na.
The live is going smooth naman, pero halos hindi talaga nagsasalita si Mikha. Nasa harapan pa naman sya. Ang dami ng blooms na nakakapansin sa chat.
Since dala naman namin talaga pag live yung mga phones namin, nag message ako sakanya if she's okay, pero hindi sya nag reply kahit nakita ko sa likod na nabasa nya.
Natapos yung live na parang 15 words lang ata yung nasabi ni Mikha and feeling ko talaga ako yung may kasalanan o baka naman nag a-assume lang ako?
"Hey girls, sa condo na ni Staku yung deliver ng foods from our sponsor so let's go there na." Jho informed us and said that we'll be leaving in 15 minutes.
Si Colet and Mikha lang ang may dalang sasakyan so nahati kami sa dalawa. Nagtutulakan pa yung girls kung sino daw sasabay kay Mikha dahil natatakot sila at not in good mood daw kasi.
Since si Staku lang ang may lakas ng loob lumapit kay Mikha simula kanina, sa amin sya sumabay together with Jho. Si Maloi, Gwen and Sheena naman yung nasa sasakyan ni Colet.
Sinusubukan ni Jho and Stacey na pagsalitain si Mikha sa 10 minutes namin sa sasakyan pero tango, ngiti at tipid na tawa lang yung nakuha nila.
Pagdating namin sa condo, nag prepare na sila Maloi ng mini videoke na pinagkakaguluhan nila ngayon. Ang ingay talaga nila habang pinagpapasa-pasahan yung maliit na mic, di pa nakasaksak yan pero ang lakas na ng boses nila.
"Katahimikan! Wait lang, sino pwede sumama samin ni Gwen bumaba para kumuha ng foods?" Yung sigaw ni Jho kala mo nangangampanya
Nagtuturuan pa si Maloi, Staku and Sheena kung sino sasama sakanila. Kasi last time kami ni Mikha and Col yung kumuha kaya turn na nila ngayon.
"Aiah, phone mo tumutunog dun sa may table, dinala ko na baka importante. Jeremy yung tumatawag." sabay abot sakin ni Colet.
Nakita kong natigilan yung girls at napatingin sila sakin. Tiningnan ko yung caller id to make sure kahit na alam kong imposibleng magkamali si Colet.
Jeremy calling..
Napatingin ako kay Mikha and bigla syang nag iwas ng tingin at tumayo.
"Jho, ako na sasama sainyo ni Gwen."
YOU ARE READING
Behind the Scenes
Hayran KurguMikaiah behind cameras. Are they true or we're just being delulu? Mikaiah au