Chapter 1

41 6 0
                                    


Buong gabi iyak lang ako ng iyak. Sinasabi ko lang kay mama na masakit puson ko. Pero ang totoo, masakit puso ko. Paano ako papasok nito bukas? Bakit kasi, kinuha ko parehas ng course niya. Bakit kasi pinilit kong maging magkaklase kami? Napatingin ako sa phone.

Simula kanina, di na niya ako tinawagan o kaya tinext. Wala.

Umaga na at ayoko pa bumangon. Ni minsan sa buhay ko hindi ako tinamad pumasok dahil lagi niya akong sinusundo.

Yun talaga pinagtataka ko. Lagi kami magkasama. Paano?

Pinilit ko na sarili ko bumangon. Maligo. Kumain. Mag commute papasok.

Nasa gate palang ako ng school parang ayoko na.

"Tara, ano?" nagulat ako kasi nasa harap ko na pala si G. Nakangiti. Sa lahat ng lalaki, si G ang pinaka ayaw ng boyfriend ko. Nag uusap lang sila ng casual pero mainit dugo niya kay G. Hindi ko alam kung bakit. Kaya sobrang dalang ng encounter ko kay G. "Alam mo, alam ko na yan" sabi niya pa sakin. "Sabihan mo na lang ako kung gusto mo kasama umabsent ngayong araw" sabi niya sabay lakad. Oo. Gusto ko umabsent. Pero kasama si G? Baka magalit si Ken. Baka may makakita samin. Tsaka bulakbol din kasi si G. Baka ano pang motibo nito.

Pero gusto ko umabsent.

"G!" tawag ko sakanya. Lumingon siya ng nakataas kilay. "Tara?" tanong niya ulit sakin. Naglakad siya palayo sa school. Sinabayan ko lang siya. Medyo malayo distansya ko sakanya. Naglalakad lang siya. Alam ko naman ang lugar at alam kong hindi niya ako maliligaw. Napadpad kami sa likod ng school na puro tindahan ng street foods. "Foodtrip ba gusto mo or may gusto kang puntahan?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam." sagot ko sakanya. Tumawa siya ng bahagya. "Sa bahay ko?" pabiro niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang to naman. lakad lakad na lang" sabi niya. Sinusundan ko lang siya.

"Anong alam mo?" tanong ko sakanya habang naglalakad parin kami papalayo sa school.

"Alam kong hindi ka okay." Simpleng sagot niya.

"Bakit mo ako sinasamahan?" Tanong ko.

"Maliban kay Ken, may kaibigan ka ba?" tanong niya sa akin.

Napa isip ako.

I just realized na simula nung 2nd year high school, kay Ken na umikot mundo ko. Hanggang college siya lang kasama ko. May mga kaklase ako pero wala akong gaano nakakasama puro siya lang.

"Di mo kailangan mag kwento. Pero ikaw bahala. Basta ako alam ko ganyang pakiramdam kaya sinasamahan kita" sabi lang niya. Nakatalikod siya sakin kasi nauuna siya maglakad.

Bakit ayaw ni Ken sakanya?

Nag desisyon kaming kumain sa karinderya. "Di ako manlilibre ha. KKB pa din kahit brokenhearted ka" sabi niya. Natawa ako sakanya. Pero, oo, akala ko libre niya. Tahimik lang kaming kumakain. Inabot kami ng hapon na hindi gaanong nag uusap. Parang isang tanong isang sagot. Pero nakakagaan.

"Hatid kita?" tanong niya sa akin. Umiling na ako. "Sobra na abala ko sayo. Kaya ko na umuwi" sabi ko sakanya. "Uy, Dan. Di na pwede bukas to ha? Pumasok ka na. Kung di ka pa rin okay kahit tumabi ka muna sakin. Samin, mga kaklase mo. Block section naman tayo wala ka choice." Pabiro niyang sabi. Tumango tango ako. "Hindi ako nagloload eh. Pero chat ka na lang sakin pag nakauwi ka na. Accept mo friend request ko parang 1st year pa ata namin ikaw inadd eh" pahabol niya. Tumango tango ako ulit.

"Sige na. Ingat, Dan" sabi niya sa akin at lumakad na palayo.

Habang naglakad siya palayo at ako pasakay na ng jeep pauwi. Naalala ko bigla mga nangyari kahapon. Tinignan ko phone ko. Wala parin. Wala na ba kami? Hindi ba siya mag eexplain?

Nakauwi akong tulala. Paiyak na nga ako. Nag online ako at inaccept ko mga kaklase ko. Ilang segundo palang may nagchat na.

G: Bahay na?

Me: Oo.

G: Gege. See you tom.

Hirap pa rin ako makatulog.

Nilalabanan ko sarili ko na wag tawagan si Ken. Hanggang sa nakatulog ako kakaaway ng dalawang parte ng utak ko.

Nagising ako ng parang walang gana sa lahat. Pinilit ko na lang bumangon. Pinilit kong kumain. Pinilit kong pumasok sa school. Ang hirap.

Pagpasok ko sa room ng 1st subject namin, halos na estatwa ako dahil nakatitig sakin si Ken. Pero wala siya sa usual na pwesto namin. Nasa pagitan siya ng dalawang kaklase naming lalaki. Ibig sabihin, ayaw niya ako katabi.

Gusto ko na lumabas at umiyak na lang.

"Dan!" Tawag sakin ni Bea. Katabi ni G. Nakatingin din sa akin si G. Nakangiti. Usual, lagi napapalibutan ng mga babae. Isa kasi si G sa maraming nagkakagusto dito sa school dahil sa itsura niya at sa asta niya. Pero, unusual na tawagin ako ni Bea. Wala talaga kasi akong close. "Dito ka na sa tabi ko." Sabi ni Bea. Sumenyas si G na lumapit na. Alam kong pakana niya to. Kaya nag thank you ako ng pabulong. Hindi ko alam kung ano ang alam ni G. Pero thank you sakanya atleast kahit konti kahit isang segundo kumakalma ako.

"Samin ka na muna sumama" hindi ko alam kung nag aaya ba si Bea or sinasabi na sumama talaga ako. tumango na lang ako.

Mahaba vacant namin kaya nag ayaan silang kumain sa labas. "Dito lang muna ako." sabi ko sakanila. Ang laki kasi ng grupo ni G. Nahihiya ako. "Bakit, Dan? Tara na. Once in a blue moon ka lang namin maisama eh" Sabi ni Tofi. Ngumiti lang ako. "Next time. Dito na lang muna ako sa lobby. May kailangan din ako basahin eh" sabi ko sakanila. Lahat sila sumang ayon naman at nag simula na maglakad. Habang ako. Umupo na lang muna sa lobby at nilabas libro ko na alam kong di ko naman babasahin at titigan ko lang.

May naramdaman akong tumabi sakin. Kaya tinignan ko. Halos magulat ako. "G" tawag ko sakanya. "Bakit di ka pa umaalis?" tanong ko.

"Tinatamad ako eh. Tsaka di pa ako gutom." Sabi niya sabay labas ng phone niya. "Sabi ko, okay lang kung di ka magkwento. Pero na ccurious ako. Ikaw ba may kasalanan?" tanong niya sa akin na kahit ako hindi ko masagot.

Ako ba may kasalanan?

May kulang ba sakin?

May mali ba sakin?

Ano ba nagawa ko?

"Kasi parang ikaw yung guilty." sabi niya. "Hindi.." mahinang sagot ko.

"Wag mo na lang sagutin. Baka umiyak ka. Isipin nila pinaiyak kita." sabi niyang pabiro.

nalungkot ako.

Ako ba ang may mali?

Tayo? Minsan oo, minsan hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon